Ulan?
Err. Ayokong ayoko pag umuulan.
Hindi ko magawa ang mga gusto ko..
Nababasa ako pag biglaang ulan tapos nakalimutan ko magdala ng payong.
Dumudumi ang paa ko, napuputikan.
Minsan pag may lakad kayo, nauudlot.
Dahil yan sa ulan..
Kaya nga ayoko sa ulan.. not until he came.
Everything has changed.
I'll tell you all. I love the changes he brought.
Because of him, I'm starting to love the rain..
______________________________________
My name is Rain. HAHA. Loljk. I'm Tricia Reyes. Isa lang ang masasabi ko.. Ayoko sa Ulan! Oo, ayoko. Kasi pagumuulan hindi ko magawa ang lahat ng gusto ko.. minsan pa nga ng dahil sa ulan.. ang mga plinanong lakad namin palaging nauudlot. Kayo ba, gusto nyo sa ulan?
Andito sa room ngayon. Kasalukuyang nagpapasyon ang aming guro. Gusto ko ng umuwi.. >_< Di bale.. Five minutes na lang..
tiktok.
tiktok.
tiktok.
tiktok.
[A/N: wag nyong laitin. tunog yan ng orasan. HAHAHA]
5..
4..
3..
2..
1..
*Kriiiing*
Yes! Pagkarinig na pagkarinig ko ng bell kaagad agad kong niligpit iyong mga libro ko at kaagad agad akong lumabas ng room. Malapit na ako sa sakayan ng jeep ng biglang bumuhos ang ulan. Takte! Wala pa naman akong dalang payong!! Kainiiiiiiis!!!! Tumakbo na lang ako sa may silong at doon ko na lang hihintayin na tumila ang ulan.. Habang hinihintay kong tumila ang ulan bigla namang may sumilong na lalaki. Ewan ko ba kung bakit napatulala ako sa kanya.. Nagsnap ako into reality ng bigla nyang inoffer iyong payong nya..
"Oh.. Ikaw muna ang gumamit nito.." pagaalok nya sa akin ng payong.. ang bait nya.. kukunin ko na sana kaso bigla ko namang naalala na kung tatanggapin ko iyon eh di sya naman ang nabasa ng ulan..
"Eh paano ka?" tanong ko..
"Ayos lang. Malapit na lang naman ang bahay namin dito" pagkasabi nya non agad kong kinuha iyong payong nya..
"Thank you! Bukas ko na lang isosoli sa'yo?" patanong kong sabi.
"Hindi na.. Sa'yo na lang yan.." pagkasabi nya non, nagsmile sya..
DugDug.DugDug
Bigla naman tumibok ang puso ko at parang may kung ano sa tyan ko.. takte.. ano bang meron sa smile nya at ganito magreact ang sistema ng katawan ko.. Hindi ko na lang pinansin iyon at umalis na ako..
Nakauwi naman ako sa bahay ng payapa at masaya. Masaya? Hayy.. Ewan ko ba.. Parang ngayon lang ako natuwa kasi umuulan.. Tsaka hindi ko makalimutan iyong smile nung lalaki kanina.. Haish.. Nevermind. Since gabi na ako nakauwi sa bahay naglinis na lang ako ng katawan at natulog..
*Kinabukasan*
Maaga akong nagising.. Ang ganda ng sikat ng araw pero bat parang nalungkot ako? Parang mas gusto ko kung umuulan....? Haish. Bumangon na ako at naligo.. at nagayos.. Pagkatapos kong magayos bumaba na ako ng hagdan.. Sakto at kakatapos lang ni mommy na magluto..
Habang kumakain kami.. Nagkwentuhan lang kami.. Pagkatapos naming kumain.. Nagpaalam na ako at papasok pa ako ng school.. Hindi na ako nagabalang magdala pa ng payong dahil mukhang hindi naman uulan..
Pagkadating ko sa school.. dumiretso na ako sa room namin at nakipagkwentuhan na lang ako sa mga kaklase ko.. Di nagtagal nagbell na.. Pumasok na iyong teacher namin.. turo lang sya ng turo dun at ako eto nakatulala sa kawalan at hinihiling na sana ay umulan.. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyayare sa akin kasi dati rati ayaw na ayaw kong umuulan pero simula nung makilala ko si... Takte! Di ko natanong iyong pangalan nya... Papangalanan ko na lang syang Mr. Nice Guy since pinahiram nya sa akin iyong payong...
Pauwi na ako.. dumaan ako dun sa silong kaso wala sya. Ewan ko ba sa sarili ko at pinuntahan ko pa sya dun..
Lumipas ang araw.. palagi ko pa din syang pinupuntahan dun sa silong kaso palagi naman syang wala.. Ngayon ko lang napagtanto na.. mahal ko na sya.. ang weird, right? Sino ba namang tao ang maiinlove sa taong kakakilala lang nya dahil lang sa nagmagandang loob ito sa kanya? Baka nga mamaya hindi ka na nya matandaan.
Andito ako ngayon sa kwarto ko.. Nakahiga lang ako sa kama ko dahil wala naman akong magawa. Umuulan nga pala ngayon.. Gusto ko ngang lumabas at baka sakaling makita ko sya.. Pero alam ko namang imposible..
*toktok* *toktok*
Nakakagulat naman.. Agad agad akong bumangon at binuksan iyong pinto..
"Oh anak may naghahanap sa'yo sa labas" ha?
"Eh sino daw my?" tanong ko naman..
"Eh hindi ko alam eh. Basta lalaki sya. Dalian mong bumaba at nababasa na sya ng ulan.."
EHHH?
"Eh bat hindi mo pinapasok?"
"Eh ayaw nya eh. Bilisan mo nang bumaba at baka magkasakit pa iyon."
Agad agad akong bumaba at kinuha iyong payong.. Iyong payong pa nga ni Mr. Nice Guy iyongnakuha ko eh. Lumabas na ako ng bahay at nagulat ako kasii si....
"Ui ano ka ba? Bat ka nagpapaulan?" tanong ko sa kanya..
"Wala lang.. Masaya kayang maligo sa ulan.." Sows! Akala ko naman kung ano na ang nangyayare.
"Eh paano mo nalaman ang bahay ko?" tanong ko sa kanya.. Ehhh kasi naman si Mr. Nice Guy!!! Andito sa harap ko!!! Alive and kicking!! Anu ba yan Tricia para namang namatay.. Perooo.... WAAAAAAAAAAAAAH! Shit! Ang puso ko parang gusto ng kumawala sa dibdib ko.. :">
"Sinundan kita nun." Takte! Ako na ang kinikilig!!!!!!
"EHHH? Diba binigay mo sa akin iyong payong mo?" eh totoo naman eh.. eh di nabasa sya nun?
"Oo." sagot naman nya. Seriously?
"Teka nga.. pasok muna tayo sa loob.. basang basa ka na oh.."
"Hindi na.. Bitiwan mo na lang iyang payong mo at samahan mo kong maligo sa ulan" di pa nagsisink in iyong mga sinabi nya eh bigla naman nya akong hinila dahilan para parehas na kaming basa ng ulan..
"Hui. AY! Ano ngang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.. nakaklimutan ko kasing tanugin eh. Buti nga ngayon at naalala ko..
"Alex." so Alex pala ang name nya.
"Ano nga palang sinadya mo dito? Don't tell me kaya ka pumunta dito para yayain lang akong maligo sa ulan?"
"Eh namiss kita eh.." O________O <---- Ganyan ang reaksyon ko.. then naging ganto --> O////O Shit! Sinabi nya ba yon? takte! gusto na atang kumala ng puso ko..
"HA HA HA! Hwag ka ngang magbiro ng ganyan.." sinabi ko yan kahit sa loob loob ko hinihiling ko na sana totoo na sana hindi lang ito panaginip kasi namiss ko din naman sya.
"Hindi ako nagbibiro. Pero ang weird nga eh.. Isang beses pa lang naman kitang nakita nun pero.. Ewan ko ba sa sarili ko at nainlove ako sa'yo agad. Nalove at first sight kungbaga. Takte! This is so gay!" ewan ko ba sa sarili ko at bigla ko na lang sya niyakap.. siguro kasi masaya ako.. alam ko nagulat sya sa ginawa ko pero he hug me back. Humiwalay na kami sa pagkakayakap namin at nagsalita ako..
"Epal ka! Ilang beses kitang pinupuntahan dun sa silong pero wala akong nakita kahit na anong anino mo.. Akala ko nga nakalimutan mo na ko.. Akala ko nga if ever na magkia tayo hindi mo na ako matatandan. Na akala ko na ako lang ang nakakamiss sayo. Na akala ko ako lang iyong weird kasi unang beses lang tayo nagkita pero nagkagusto ako sayo agad." pagkatapos kong sabihin iyon.. nakita kong napangiti sya..
"Mahal mo din ako?" paninigurado nyang tanong sa akin.
"Ayaw mo ata eh" pagbibiro ko sa kanya.. :)))
"Anu ka ba? Syempre gusto ko no." kinikilig naman ako.. grabe!! ang sarap sa feeling.. "So, pwede na kitang ligawan?" pagpapatuloy nya.
"Oo naman" pagkasabi ko nun.. tumayo kami at inenjoy ang sayang hatid ng ulan..
Hindi ko inexpect na may hatid palang saya ang ulan basta ienjoy mo lang.. kasama ng taong mahal mo.. Because of him.. I starting to love the rain..
--END--