<Jiana's POV>
"Papasok na daw si escort mo ngayon ha?" Sabi ni Alexis.
Eh?
Andito na nga pala kami sa room.
"Who's who?" Pagtatanong ko.
Seriously, hindi ko sya kilala -_-
"Si Jacob." sabi naman nya.
"Di ko sya kilala." sagot ko sa kanya.
"Gaga, syempre naman. Bago ka lang dito e"
Oo nga naman.
Bwahaha! =))
"Che! Kelangan talaga may word na gaga? Pagtayo na MTRCB" Pagloloko ko.
"Benta!" sabi nya habang tumatawa. =))
"Manahimik ka nga. Hahaha! =))" sabi ko. Parang sira e XD
Nagkwentuhan na lang kami ng kung ano ano..
Nakisama pa nga sila Pauline e.
"Papasok na raw si escort mo." sabi ni Princess.
Bat ba 'yon na lang lagi ang sinasabi nila sa akin? >3<
"Sino ba 'yon?" pagtatanong ko.
Nakalimutan ko 'yong name e. -o-
"Si Jacob nga." sabi ni Lea.
"Ohh.." sabi ko.
E anong gusto nyong sabihin ko?
E hindi ko nga kilala =))
"Mag-iingat ka dun. Medyo magulo 'yon tsaka makulet." sabi ni Luis.
Srsly, kailangan may warning?
Hahahaha!
"Hwag nyo ngang takutin si Jiana." sabi naman ni Pau.
"Winawarningan lang namin!" sagot ni Leo.
"Kailangan talaga may warning ako? XD" pagtatanong ko
"Oo, sobrang makulit kasi 'yon e pero mabait naman sya." sabi ni Alexis.
*KRIIING*
Bigla namang nagbell.
Nagsibalikan na sila sa mga upuan nila dahil pumasok na 'yong teacher namin.
Ang aga naman netong pumasok. XD
Nagdadadaldal lang sya run ng biglang may nagbukas ng pinto.
"Hi ma'am!" sabi nya habang nakangiti pa.
'Yong ngiti parang nakakaloko na ewan XD
"Hindi ka na nga pumasok kahapon, late ka pa ngayon." sita sa kanya nung teacher namin, actually adviser namin sya.
Yep, sya ang first period teacher namin.
Well, not that important.
Just so you knoww.
"Ma'am! Chillax, sige kayo tatanda kayo nyan agad." sagot naman nya sa teacher namin.
'Yong teacher naman namin, napailing na lang.
"Osya, maupo ka na." sabi naman ng teacher namin sa kanya.
"Thank you ma'am! Kaya peyborit kita e! Sobrang ganda mo na nga, sobrang bait mo pa." sabi nya sabay punta sa tabi ko.
Nagtawanan naman 'yong mga kaklase ko including me.
Makabola kay ma'am, wagas! Hahaha.
Totoo nga 'yong sinabi nila, makulit sya.
Pero hindi nakakainis 'yong pagkamakulit nya.
In fact, nakakatuwa. =))
"Oy, ngayon lang kita nakita dito a?" sabi nya sa akin.
Syempre naman -_-"
"Newbie e" sagot ko. Maka-oy kasi e.
Kala mo close kami XD
"Jacob po! at your service!" pagpapakilala nya tapos may pasalute salute pang nalalaman. XD
"Jiana here." pagpapakilala ko naman.
Ayoko namang maging rude no.
"Nice name!" sagot nya sa akin.
"Thanks" sagot ko naman.
Nanahimik na kami at nakinig na lang sa dinidiscuss ni ma'am shawi.
<B R E A K>
Nagpunta na kami sa cafeteria ni Alexis.
At last, ngayon makakakain na ako.
Kahapon kasi hindi ako nakakain, remember?
Hahaha!
"1 burger tapos 1 soda" sabi ko kay ate.
"Ako rin ate." sabi ni Alexis. Gaya gaya talaga XD
"Gaya gaya ka. Hahaha!" sabi ko kay Alexis.
"Hindi a. Nagkataon lang na ganto rin ang gusto kong kainin no." sabi nya sa akin.
"Okay fine. Chill." pagkasabi ko nun, nagtawanan kami.
"Eto na po" kinuha ko na 'yong order namin.
At naghanap na kami ng table.
Sakto naman at may vacant.
"Close na kayo ni Jacob a?" pagoopen up ng topic ni Alexis.
Close ba kami? =_=
"Psh. Hindi a. Bat naman?" pagtatanong ko
"e naguusap kayo kanina e" naguusap lang close na agad?
"Parang naguusap lang. Tsaka nagpapakilala lang sya sa akin at ako rin naman sa kanya" pagpapaliwanag ko.
Grabe naman kamalisyosa nito.
Hahaha! =))
"Hwag depensib!" sagot nya.
Sira ulo talaga to.
Hahahaha!
"Di ako defensive. Nagpapaliwanag lang" sagot ko naman sa kanya.
"Anong tingin mo sa kanya?" tanong ni Alexis.
Eh?
"Who's who?" pagtatanong ko
"Nino pa ba? E di si Jacob. Sya lang naman ang pinaguusapan natin e" sabi ni Alexis.
"Malay ko ba? Mga tanong mo naman kasi e" sabi ko.
Totoo naman e.
Mga tanungan e
"Oh, ano ng tingin mo?" pangungulit pa nya.
Bat ba gusto nyang malaman? -_-
"E bat ba gusto mong malaman?" pagtatanong ko.
"Wala lang naman. Sagutin mo na kasi" KFINE!
"Okay naman sya. Sobrang kulit nga lang." sagot ko.
"A e na popogian ka ba?" mga tanung ni Alexis -__________-
"Oo. E bakit ba kasi?" ang weird kasi nito e
"Wala lang." sagot naman nya.
"Okay." sagot ko naman.
"Osya sya, kain na lang tayo" inubos na namin ung food tapos bumalik na kami sa room.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa room naupo na kaagad kami sa upuan namin.
Sakto naman at nandon na si Jacob.
"Hi newbie" bati nya sa akin.
Hangkulit.
"Hey" sagot ko naman.
"Hi alexis" bat naman nya kay alexis
"Hello." sagot naman ni alexis.
Pagkatapos nun nanahimik na kami at pumasok ang next teacher namin.
Physics ang subject namin ngayon kaya hindi ako nakikinig.
Sure naman ako na wala akong matututunan dyan e. XD
Nakatingin lang ako sa kawalan ng..
*Poke*
napatingin naman ako sa ever makulit kong seatmate.
Who's who?
Ang ever makulit na si Jacob.
"Bakit?" pagtatanong ko.
Bigla bigla na lang kasing nangangalabit e =.=
"Bat hindi ka nakikinig?" pagtatanong nya.
E bat ang usisero mo?
Bwahahaha!
Pero syempre sa isip ko lang un.
Ayoko namang maging rude.
"Ayoko ng subject e" sabi ko.
Totoo naman.
Ayoko ng physics.
Hirap hirap.
Second day of class ko pa nga lang dito pasakit na kagaad.
"Bat naman? Ang dali dali nga lang ng physics e" e di sya na!
"Talino mo e" sabi ko na medyo sarcastic.
"Salamat" sagot naman nya.
Hindi ba sya marunong maganalyze ng sarcastic one sa real one?
Psh.
Di ko na lang sya pinansin.
Patuloy pa ring lumilipad ang isip ko hanggang sa nawala na si ma'am.
Sa lahat ata ng subject hindi ako nakinig e.
Bwahahaha!
PG13.
Hwag nyo po akong gagayahin.
*bow*
Pauwi na sana ako ng...
"Pst!" sitsit sa akin ni Jacob.
Lumingon naman ako.
"Bakit?" pagtatanong ko.
"Tawag ka ni ma'am shawi." sabi nya.
Err.
Bat naman kaya?
Nalaman kaya nya na hindi ako nakikinig?
Pero ano naman ang pakielam nya?
Hahahaha! =))
May napansin ba kayo sa pangalan ng adviser namin?
Hahaha!
Parang 'yong impersonator ni Sharon.
Hahahahahaha!
Okay, hansama ko na.
"Bakit daw?" pagtatanong ko
"Aba anong malay ko. Basta sabi nya papuntahin daw kita." Ma'am Shawi talaga! -__-
Nagpunta na ako kay Ma'am Shawi..
At hindi ko nagustuhan ang suggestion nya! -_______________-"