Paano kung may nagadd sayo sa facebook?
Tapos inaccept mo sya.
Tapos.. Chinat ka nya then Niyaya kang maglaro ng tetris.
Tapos sinabe nya sayo na kung sino ang matalo.. Kailangan nyang gawin ang kahit na anong ipapagawa ng nanalo..
Hala? Anong gagawin mo?
Iaaccept mo ba o idedecline mo?
____________________
Shane Mariano po. 2nd year higschool. 14 years of existence here in earth. Kind. Friendly. Helpful. Cheerful. Fun to be with.
Natatawa ako habang dinedescribe ko ang sarili ko. HAHAHA! Ano to? Scrap book? Okayyy. Corny ko XD
Nagfefacebook pala ako. Eto chinachat ko ung mga friends ko. Habang nagchachat kami. Biglang may nag-add sa akin. Lalaki sya. Di ko sya kilala. Pero inaccept ko XD Malay mo fafable. :P Pagkaaccept na pagkaaccept ko sa kanya.. Chinat nya ko.
FR: Colosus
Laban tayo tetris. Kung sino ang matalo.. Kailangan nyang gawin ang kahit na anong ipagawa ng nanalo. Deal?
TO: Colosus
Eh teka. Hindi naman kita kilala eh. Baka mamaya kung ano ipagawa mo sa akin noh.
FR: Colosus
Trust me. Kilala mo ako. Schoolmate kaya kita. Ano deal?
TO: Colosus
Paano naman ako nakakasiguro?
FR: Colosus
Haist! Dami mong tanong. Sa ****** Academy ka nag-aaral.
Hmm.. Mukhang totoo nga ung sinasabi nya.
FR: Colosus
Ano? Deal?
TO: Colosus
Deal.
Nakoooo. Shane! Ano ba itong pinasok mo? Pero kaya mo yan! Diba tetris goddess ka? Ye right.
So pinadalhan nya ako ng request. Syempre inaccept ko. Ako pa naman ung taong walang inuurungan.
So.. Naglaban na kami. Unfortunately, sya ang nanalo.
FR: Colosus
So pano ba yan? >:)
Haist. :/
TO: Colosus
Oo na! Ano ba ung ipapagawa mo sa akin? Pag yan.. Ilegal. Papatayin kita.
FR: Colosus
As if naman. I want you to go to Starbucks, now! Hanapin mo ako. Nakablue akong t-shirt. Got it? Bilisan mo ha. Be here in a minute.
Ay demanding ni koya! Pfft. Bat ba kasi ako umayag sa pesteng deal na yan eh. Ni hindi ko nga sya kilala. Fuuuu.
So nagpunta na ako ng starbucks. And to my surprise!
Sii.. Sii... Si.. Brent ung nakalaban ko sa tetris. Mygosh! Secret lang natin ha. Pero matagal ko na yang crush eh. Since first year pa lang kami. Sa tingin ko nga mahal ko na toh eh.
"Ang tagal mo naman. 3 minutes akong naghintay. Sabi ko a minute. Psh." Pagrereklamo nya. Ay demanding. Di bale mahal ko naman eh. ;') ay? San galing yon? XD.
"Ay sorry ha?!" pagtataray ko.
"Okay lang. Have a sit."
"Bat mo ba ako pinapunta dito?"
"Ehh.. Ka-kasii.. Ma-may sa-sasabihin ako sayo eh." bat ba sya nauutal? Aww. Nagbablush ba sya? How cute! :')
"Ano naman un?"
"Ehh kasiii.. Mahal kita! Oo.. Simula nung first year pa lang tayo.. Kaso sa tingin ko wala ka namang gusto sa akin eh" napayuko sya.
"Gusto kaya ki--" sabay takip ko ng bibig. Mygosh! Umamin ka ba? Napakadaldal mo talaga shane! Mygod! Nakakahiya.
"Gusto mo ko?" nalighten up naman ung mukha nya.
"Hindi ah! Wala naman akong sinabi eh" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Weh? Sinabi mo ehh." Pang-aasar nya. Badtrip! Daldal naman kasi ng bibig ko ehh. -.- Aamin na nga ako.
"Eh alam mo naman pala eh." sabi ko ng hindi pa rin tumitingin sa kanya.
"Yes! Akala ko pa naman hindi mo ko gusto. -.- Buti na lang at niyaya kitang maglaro at ako ang nanalo at nagawa kitang papuntahin dito.. at buti na lang at nagkalakas ako ng loob sabihin ang nararamdaman ko sayo ngayon." Masayang sabi nya. Haha. Buti na lang pala at inaccet ko ung deal.
"Saya mo na nyan?" sabi ko. Syempre kakapalan ko na ang mukha ko. Minsan lang toh eh. XD.
"Ehh di.. Pwede na kitang ligawan?" excited nyang tanong. Grabe ang haba ng hair ko.
"Hindi pwede." Ung smile naman nya nagfade. Haha. Natatawa ako XD
"Bat naman?" malungkot nyang tanong.
"Dahil ngayon pa lang girlfriend mo na ko." Haha. Sumaya nanaman sya. Hahaha.
"Yes!"
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako nagpaligaw.. Ang sagot ko dyan is. Hindi naman ang panliligaw ang pinapatagal eh.. Ung relasyon dapat.
Waaaaah! Ang saya ko naman. Biruin nyo? Mahal na din pala ako ng mahal ko? I cant express how happy i am at this moment.
--END--