Mahal ko sya..
Mahal na mahal..
At sana.. saluhin nya ako
______________________________________________
"Peram ballpen" tanong ng makulit kong seatmate.
Palagi naman tong nanghihiram ng ballpen..
Tapos hindi isasaule -_____________________-
Pasalamat sya.. ma----bait ako :>
Daily routine na ata namin to e
"Oh, sauli mo a?" sabi ko
"Oo, bilhan pa kita ng isang box ng ballpen e" sagot naman nya.
"Isang piraso ng ballpen nga wala ka isang box pa kaya?!" napalakas naman 'yong pagkakasabi ko.
Sooner or later, deads ako -___-
"Is there any problem Emm?" wow, rhyming pa XD
"None ma'am" sagot ko.
Binigyan ko naman ng infamous deathly glare ang katabi ko.
Pero alam ko walang effect kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasagot sa quiz ko at sya rin naman.
< B R E A K >
"Sweet nyo ni Xander kanina a?" panloloko sa akin ni Shalina.
Alam nya kasi na crush ko 'yon.
Oo, hwag na lang kayong maingay.
Sya lang naman ang dahilan kaya marami akong ballpen e
"Hwag ka na ngang mang-asar" sabi ko sa kanya. Baka mamaya kasi may makarinig pa sa kanya no mahirap na
"Kinikilig ka lang e" di nemen. Hahaha! Pbb teens? Loljk
"Shut up. Umorder ka na nga" utos ko sa kanya 8)
"KFINE!" taray?
"Hanap ako table" pagkasabi ko nun, naghanap na ako. May nahanap naman ako kaagad kasi wala naman ng masyadong tao dito sa cafeteria. Naupo na ako. Habang hinihintay ko si Shalina bigla namang umepal si Xander
"Punta ka sa park sa friday. 3:00 sharp" pagkasabi nya non umalis na sya. Ano naman kayang problema nun? Pero dahil ma---lakas sya sa akin. Pupunta na ako. Nacucurious tulo--
"Hoy! Nakatulala ka dyan?" naputol tuloy ung iniisip ko -_-
"E kasi pinapapunta ako ni Xander sa park sa friday e. Nacucurious ako kung ano meron" pagpapakatotoo ko sa kanya
"Aamin na kaya sya?" ano daw? Di ko narinig
"May sinasabi ka ba?" tanong ko kasi naman bulong ng bulong malamang sa malamang malaki ang posibilidad na marinig ko un
"Wala. E di pumunta ka kako" un ba un? Parang hanlayo e XD
"Oo nga. Sino ba may sabing hindi ako pupunta?" sagot ko naman sakanya. Bwahahaha =))
"Yiiii" pangaasar nya.
Somehow, natutuwa ako kasi kinausap ako ni Xander hindi lang para manghiram ng ballpen kung hindi, iba na ang dahilan. Un ay ang pumunta daw ako sa park. Naeexcite na tuloy ako na kinakabahan. Ano naman kaya ang gagawin namin sa park? Baka ipasalvage nya ko! Noooooo!
"Bat pailing iling ka pa dyan?" tanong ni shalina. Sasabihin ko ba ang naiisip ko? Ayoko, baka pagtawanan lang nya ako. Grabe pa naman to makatawa -_- Parang hindi bespren e XD
"Wala" sabi ko. Hindi nanaman na uli sya nagreply. Ano to? Text? Bwahahaha. Nagsalita na lang para formal.
Kumain na lang kami at bumalik na sa room. Sakto naman at kasabay pa namin ang next teacher namin.
"Oy, ano ba meron sa friday?" pagtatanong ko kay Xander
"Basta. Sa friday mo na malalaman" sabi nya. Juskoo. Di kaya--?
"Hwag mo kong ipapasalvage ha?" sabi ko. Nakita ko namang natawa sya dun. Ano bang nakakatawa???
"Hwag ka ngang tumawa dyan! Sersyoso ako dito e" sabi ko. Totoo namang seryoso ako e. Buset!
"Wala. Ano ba naman yang isip mo! Kung ano ano ang naiisip" sabi nya.
"E kasi naman ayaw pang sabihin ung dahilan. Pasuspense pa e" sabi ko
"Hwag ka na ngang makulit" sabi nya na tila nababanas. Bwahahahaha =)) Mabanas nga.
"Sabihin mo na kasi" pangungulit ko pa
"Hwag kang makulit" sagot nya na inis na inis na. Nakakatuwa syang inisin XD
"SABIHIN MO NA!" pangungulit ko pa XD
"Pag hindi ka tumgil, hahalikan kita dyan" pagbabanta nya.
Somehow, gusto ko pang mangulit para mahalikan nya ako. Shete! Ano ba naman to o! Pbb teens lang? XD In the end, nanaig ang good side ko at nanahimik na lang ako. Pero gusto ko talagang mangulit e. Magsasalita ba ko? Hahahahaha! Syempre joke lang! Kahit naman maha--crush ko to hindi ako papayag na magpahalik sa kanya no!
"Un lang naman pala ang panakot sayo e" pagsasalita nya. Buset! Di na lang ako magsasalita. Che
Dismissal na namin dumiretso na ako sa bahay namin since good girl ako. Bwahahaha =))
Nahiga na ako sa kama at patuloy ko parang iniisip kung ano ang mangyayare sa friday. Di kaya--? Aamin na sya sa akin ng pag-ibig nya? Ay! Sige, libre lang mangarap! Never in my life un magkakagusto sa akin.
Somehow, merong kumirot sa puso ko. Hanube? Anyayare sa akin? -_- Mahal ko na ba ang lokong un? Siguro nga, mahal ko na sya at sana saluhin nya ako kahit na alam kong napakaimposible. Wednesday pala ngayon at may bukas pa ako, para magready.
"Ui Shalina, samahan mo kaya ako sa mall ngayon?" pagaaya ko sa kanya. Para naman makapagready ako no
"Ay nako, bat ka pa magmomall e 2:30 ang uwian natin bukas at wala ka ng time para magbihis" sabi nya. Kung sa bagay. May point sya.
"Oo nga pala."
"Masyado ka namang naghahanda." sabi nya sabay tawa. XD
"Che! Yae mo na" sabi ko.
Fast forward ko na ha?
Wala naman kasing masydong nangyareng importante XD
< F R I D A Y >
Andito na ako sa school.
Ang aga ko nga e.
Di ako masyadong nakatulog.
Iniisip ko pa rin 'yong dahilan kung anong meron mamaya sa park -_-
"Anong himala at ang aga aga ata ng isa dito" narinig kong nagparinig si Harold. Epal talaga neto XD
"Saang saligang batas nakasaad na bawal maging maaga?" pagpaparinig ko. Hanong akala nya? Papatalo ako? Nah-uh never!
"Oh tama na yan, magkatuluyan pa kayo e" epal talag netong si Carlene. Palibhasa crush nya si Harold e. Bwahahahahaha! :))
"Nako, di bali na lang." sabi ko.
"Yan? Psh!"
"HAHAHAHAHA!" Nagtawanan naman 'yong mga classmates namin na nandito na sa room ngayon. Ano to? Comedy show? XD
< K R I N G ! >
Bell na, halos lahat kami present na except kay Xander.
Langya 'yon! Hindi ba sya papasok? Err.
Tuloy pa ba 'yong mamaya? Linshak na Xander ka!
Kinalabit ko naman si Shalina
"Sha, tuloy pa kaya 'yong mamaya sa park?" tanong ko ng pabulong lang. Baka marinig pa kami ng aming menopause na guro. Ay, ansama ko! Biro lang 'yon!
"Basta pumunta ka." sagot naman nya. Huwow! Laking tulong.
"E pano kung wala sya?" tanong ko
"Dadating 'yon" makasagot naman itey akala mo siguradong sigurado -_-
"Sure ka?" nagnod naman sya.
Fast forward ko na uli ha?
Boring e, wala kasi si Xander :(
CHOS! :))
Uwian na namin. Sabi ko kay Shalina na dederetso na ako sa park at pumayag naman sya.
Pumunta na ako ng park.
< P A R K >
Saktong pagdating ko e 3:00 :))
Galing ko talagang magmanage ng time!
Hinanap ko naman si Xander kaso hindi ko sya makita.
Sa kakahanap ko sa kanya..
May nakita akong sign.. Oo.
Eto ang nakasulat..
Ikaw ba si Emm? Kung ikaw, sundin mo lang ang direction at makikita mo na ako
At dahil masunurin ako sinundan ko na lang 'yong sign.
To my surprise.. may nakahandang table dun.
Nakita ko naman sya.
Nakatalikod pa ang drama!
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
"Dapat gabi mo na lang ako pinapunta para mas romantic tsaka bat walang pagkain? Table lang?" pangaasar ko sa kanya. Pero half true! XD
"Pwede ba? Hwag ka na lang manlait tsaka magreklamo!" ay! Highblood? Bwahahaha! =))
"Okay fine!" sabi ko as a sign na mananahimik na ako.
Inurong naman nya 'yong upuan para paupuin ako. Ay, anong nangyayare at parang nagiging gentleman si Boy hiram? XD Pero aaminin ko, kinikilig ako! Umupo naman ako at magkaharap na kami ngayon.
AWKWARD!!
"Emm.. May gusto sana akong ibigay sayo e" pagsisimula nya ng conversation.
Singsing kaya yon? :3 Bwahahaha =))
"Ano ba 'yon?" pagtatanong ko
Kinuha naman nya 'yong isang box ng
"Ballpen?" tanong ko.
"Oo, ito na 'yong mga hiniram mong ballpen." andome! O_____________O
"Pwede na kong magbenta neto sa school a?" pagbibiro ko. Natawa naman sya dun. =))
"Emm, may itatanong ako sayo" Eto na ba 'yon? Tatanungin na ba nya ko? =))
"Oh?" tanong ko Teka, kelangan kong iready ang aking sarili. XDD
"Anong ginawa nyo sa school kanina?" pucha! akala ko pa naman!! Bwiset!! HAHAHAHA =))
"Wala naman masyado.. nagdiscuss lang sila." sabi ko.
"May itatanong ako sayo.." putek! ayan nanaman sya e! ayoko na. Kating kati na ko e! Ayaw pang idirect to the point!! XD
"Leshe! Ako na nga lang! Ang dami mo pang paligoy ligoy e" sabi ko "Will you catch me?" dagdag ko pa. nakita ko naman na napakunot ang noo nya.
"Bakit?" tanong nya. Juskoo. Ang slow!
"Eh kasi nahulog na ako sayo.. Oh ano? Will you catch me?" pagtatanong ko uli.
"Of course I'll catch you!" sagot nya. "It means, tayo na?" Dagdag pa nya. Juskooo XD
"Oo. Ayaw mo?" tanong ko.
"Syempre gusto ko! I love you!" sabi nya.
"I love you too" sagot ko.
Kahit na sabihan nyo pa na pang PBB TEENS ANG DRAMA NAMIN.
PAKI KO? BASTA. MASAYA AKO!! =))
Takte! Ako na kinikilig! Bwahahahaha =))