<Jiana's POV>
Nagpunta na ako kay Ma'am Shawi dahil ayon kay Jacob pinapatawag daw ako..
"Ma'am, pinapatawag nyo raw po ako?" sabi ko kaagad ng makapasok ako sa loob ng faculty room.
"Magkakaroon ka ng school buddy para iikot ka sa buong school." sabi ni Ma'am.
School buddy?
Diba dapat nung first day? >3<
"Ma'am hindi na po kailangan." sabi ko sa kanya.
"Hwag ka ng tumanggi. Bukas ililibot ka na nya sa school."
"Sino po ba ung school buddy ko?" pagtatanong ko.
"Basta, bukas mo na sya makikilala." ay si teacher nagbablind item tsaka pasuspense.
Hahaha. :))
"Pwede po bang si Alexis na lang? Tutal kilala ko na sya." pagsasuggest ko kay ma'am.
"Hindi pwede and that's final." sabi ni ma'am.
Ay ang taray!
Hahaha!
"Okay ma'am." sagot ko aalis na sana ako pero nagsalita pa sya.
Hanubenemenyen.
Ang daldal.
Hahaha!
Pero syempre, joke lang :))
"Excuse kayo sa klase bukas." sabi nya!
Yes! Hahaha! Walang physics! \:D/
Umuwi na ako sa bahay.
Wala sila mommy ngayon kasi my business trip chorvalu sila.
3 days rin 'yon.
Nakakamiss rin 'yong kaingayan ni mommy a? XD
Nagkulong na lang ako sa kwarto ko tutal wala na naman na akong gagawin.
Booooooooring.
Nanuod na lang ako ng tv at hindi ko namamalayan..
Nakatulog na pala ako..
<Kinabukasan>
Andito na ako sa school.
Papunta na ako sa room.
Ang aga ko nga e.
Kating kati na kasi akong idaldal kay Alexis ung kalokohang naisip ni Ma'am Shawi. >3<
Sana naman hindi boring kausap ung magtotour sa akin sa buong school.
Medyo malaki pa naman to kaya baka matagalan kami.
"Aga mo ha?" bungad ni Alexis
"May sasabihin kasi ako sayo." sabi ko
"E bat hindi mo na lang ako tinext?" oo nga no? XD
"Tinatamad ako tsaka nakalimutan ko" sabi ko.
"E ano ba 'yon?"
"Si Ma'am Shawi kasi e" sabi ko
"O anong ginawa sayo ni Sharon?" pootek! Natawa naman ako dun. XD
"May pa school buddy school buddy pang nalalaman." sumbong ko sa kanya.
"Nux! E sino ba raw ung magiging student buddy mo?" tanong nya.
"Hindi ko pa nga kilala e, si ma'am shawi pasuspense e" sabi ko.
Natawa naman sya. XD
"Sino kaya un?" sabi nya na nagiisip tapos may pahawak hawak pa sa may bandang baba nya.
"Malay? Sabi ko nga ikaw na lang e" sabi ko
"O? Anong sabe?"
"Ayaw nya."
"Ay ang taray ni ma'am!" Hahaha!
"Hi newbie" bati sa akin ni Jacob.
Bat ba newbie lagi ang tawag nya?
Pwede namang Jiana.
Di hamak naman na mas maganda un. -_-
"Hello." sagot ko naman.
"Hi Alexis" bati nya.
"Hi." bati naman nya pabalik.
Pagkatapos nun, nanahimik na kami.
[KRIIING]
Nagbell na.
So it means papasok na si ma'am shawi.
"So Jiana, your supposedly school buddy is absent today. So I suppose that Jacob will be your school buddy today. No buts! You may go now." tuloy tuloy na sabi ni Ma'am Shawi. "Excuse kayo sa class for today." pagtutuloy nya.
Narinig ko namang nagbulungan sila.
Kesyo ang swerte raw namin.
Pwede ba daw na sila na lang ang maging school buddy ko XD
Mga loko talaga :))
Nagkatinginan naman kami ni Jacob tapos nagkibit balikat na lang kami.
Tumingin naman ako kay Alexis at nagthumbs up lang sya.
No choice.
Lumabas na kami.
"Newbie, san tayo magi-start?" pagtatanong nya.
"Pwede ba? Jiana ang pangalan ko, so stop calling me newbie." sabi ko.
"A'right JIANA, san tayo magsisimula?" pagtatanong nya.
Inemphasize nya pa talaga ung Jiana.
Sows, WHY SO MAKULET? ;P
"Ikaw ang student buddy diba? Kaya ikaw ang magdecide." sabi ko
"Oh sige. Dito muna tayo." nagpunta kami sa cafeteria.
"Eto ang cafeteria." pagsisimula nya.
Hanube?
Alam ko na to e >3<
"Yeah, I know." sagot ko. Masyado naman kasing obvious.
Naglakad pa kami hanggang sa mapadpad kami sa...
"Eto ang restrooms" sabi nya.
Srsly, ang ganda nyang student buddy.
"Yan pala un, di ko kasi alam ang itsura ng restroom e" sabi ko sa kanya ng sarcastic.
"Wala kayong restroom sa bahay nyo? Kawawa naman pala kayo"
shete!
di ba to sanay makaintindi ng sarcastic. -_____________-
"Wala e. Sorry ha." sabi ko.
Hanggang sa nalibot na namin ang buong school.
Obviously, walang kwenta tong naging tour namin.
Alam ko naman na kasi ung mga tinuturo nya >3<
"Natapos rin." sabi nya.
"Thank God." sabi ko naman.
"Treat mo ko, pinagod mo ko kakasalita." utos nya.
Ay ganon?
"Baka ako ang dapat itreat mo since marami akong natutunan sayo. As in, sobrang dami" sarcastic ko uling sabi.
For sure, seseryosohin nya yan.
Aigoo >3<
"Well, thanks to me then." sabi nya.
"Naniwala ka naman?" sabi ko
"Oo naman, kapanipaniwala kasi e" sabat nya.
Leshe.
Bat ba hindi ito nauubusan ng salita o ng maisasagot? >3<
"K. Libre mo na ko" sabi ko.
Hindi pala sabi, utos.
Hahaha!
"Kapal mo naman." sabi nya.
Haish!
Kinapa ko ung bulsa ko pero wala ung wallet ko
Nasa ground floor kami tapos sa fourth floor ung room namin >3<
Oh Golly, kill me.
"Libre mo na ko. Hwag kang mag-alala babayaran kita. Nasa bag ung wallet ko." sabi ko.
"Hwag mo na lang bayaran pero meron akong favor na ipapagawa sayo" sabi nya sabay grin.
Parang ayoko ng ngiti sa mukha nya a?
Parang may binabalak. -_-
"Ayoko na pala." bawi ko sa sinabi ko kanina.
Mahirap makipagsapalaran no :P
"Hindi! Wala ng bawian." sabi nya.
KFINE!
"Basta hindi yan illegal ha?" sabi ko.
"Of course" he told me in a-matter-of-factly tone.
"Osya bili mo ko ng fries, 2 burger tsaka soda" sabi ko.
Aba?
Kailangan ko na tong lubusin.
Hwag ko daw bayaran e XD
"Makakaya mong ubusin un?" sagot nya ng hindi makapaniwala.
"Oo naman." Sabi ko
"Kaya pala ang taba mo" sabi nya.
Anla?
"Hindi ako tumataba no!" sabi ko.
Totoo naman e.
Sabi pa sa akin un ni mommy.
"Kala mo lang un." sabi nya.
Buset!
Ang lakas talaga mang-asar neto >3<
"Che!"
umorder na sya tapos naghanap na kami ng table.
"Ano ba kasi ung ipapagawa mo?" pagtatanong ko.
"Basta, you'll find out soon." sabi nya.
"Takte, parang kinakabahan ako a" sabi ko.
Totoo naman e >3<
Hindi na sya nagsalita.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain.
Since excuse kami, hindi na lang kami pumasok sa klase namin.
"Oy, san ba tayo pupunta?" pagtatanong ko
"Ako lang ang aalis. Bumalik ka na sa room" sabi nya sa akin.
"Di pwede, school buddy kita! Kaya dapat mo kong isama. Tsaka excuse tayo, remember?"
Hahaha!
Bigla ko lang naisip yan.
Ayoko ngang bumalik sa room.
Physics pa naman ang subject ngayon.
"E di pumunta ka na lang sa ibang lugar." pagsusuggest nya.
walang effect? XD
"E wala naman akong pupuntahan" sabi ko
"Osya tara na." sabi nya na parang inis pa.
Hahaha!
San kaya kami pupunta?
Hmm..