PS: GUYS... THIS IS NOT A TRUE STORY, K?
I'M TIRED OF ANSWERING YOUR QUESTIONS ONE BY ONE. XD
AND BESIDES, I DON'T HAVE ANY FREAKING EXPERIENCE! -____-
ARE WE CLEAR NOW? HAHAHAHA. [CHOS :P]
_____________________________________
Naranasan nyo na ba na may isang taong nakipagbreak sayo?
'yong tipong hindi naman nya sinabi sayo kung bakit?
Ng dahil doon napapaisip ka kung ano ang pagkukulang mo?
Ng dahil dun sa unknown reason na 'yon ay hindi ka makapagmove on?
Na minsan tinanung mo sa sarili mo na.. Bat sya pa rin? Hirap noh?
Basahin nyo na lang. ;)
_____________________________
"BREAK NA TAYO." Nagulantang ang mundo ko nung sinabi nya ang salitang ayaw kong marinig na nangagaling sa kanya. Halos hindi na ako makapagsalita at parang naparalize na lang ang katawan ko. Ano ba Cindy?! Say something..
"Bakit? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" Yan ang lumabas sa bibig ko. Biruin nyo naman.. Parang kahapon lang ang saya saya namin.. tapos sinabi nya pang mahal nya ko.. Tapos itong word na to ang maririnig ko sa kanya? Ang sakit lang eh.
"Bastaa.." Lintek na sagot na yan..
"Nakikipagbreak ka ng hindi mo sinasabi sa akin ang rason? Letseng basta na yan!!" After kong sabihin 'yon.. Tumakbo na ko.. Kasi I know.. Malapit ng bumagsak ang kanina ko pa pinipigilang luha. Peste ka, Dylan..
Takbo lang ako ng takbo.. Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh. Masakit. Sobrang sakit pala. Dati napapanuod ko lang toh sa tv ngayon sa akin na mismo nangyayare.
Akala ko.. Hindi nya ako sasaktan. Kasi sabi nya never nyang gagawin iyon. Pangako nya iyon eh. Akala ko ako lang ang mamahalin nya. Pangako nya iyon eh. Akala ko kami na forever. Kasi sabi nya never kaming maghihiwalay. Pangako nya din sa akin iyon eh. Shit lang.
Pesteng AKALA YAN!! At pesteng mga pangako iyan! Sa kakatakbo ko napadpad ako sa park. Dun ako nag-iiiyak. Mukhang tanga nga lang ako eh. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito pero wala akong pakielam. Eh sa nasasaktan ako eh.
Inabot ako hanggang gabi dun, kakaiyak. Umuwi na din ako ng mahimasmasan ako. Baka mamaya nag-aalala na ang mga magulang ko sa akin eh. Pagkadating ko sa bahay... mga tinatanung nila ako pero hindi ako sumagot. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at naglock ng pinto. Katok nga sila ng katok pero hindi ko na lang sila pinansin. Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko namamalayan.. nakatulog na pala ako.
*KINABUKASAN*
Nagring iyong alarm clock ko pero parang ayaw ko pang bumangon. Para bang ayaw ko na lang pumasok kasi for sure pag nakita ko sya.. iiyak lang ako. Pero life must go on. Bumangon na ako at pumunta sa banyo ko para maligo. Hindi ko na tinignan iyong sarili ko. Bumaba na ako ng hagdan at sumabay sa kanila magbreakfast.
"Hala ate! Anung nangyare sa iyo? Mukha ka ng zombie." sabi ni Shiela, younger sister ko. Nagsmile na lang ako sa kanya since ayaw kong magkwento sa kanila.
"Shiela, kumain ka na lang." Saway ni mama. Siguro halata din nyang wala ako sa mood. So umupo na lang ako at kumain. Binilisan ko lang iyong pagkain ko tapos umalis na din ako. Nagpahatid na lang ako kay manong sa school.
Pagkadating ko sa school, dumiretso na ako sa room. Hindi ko pinansin iyong mga kaklase ko pati na din si Jane na bestfriend ko nagdirediretso na lang ako sa upuan ko at umub-ob. Sinundan naman ako ni Jane siguro para tanungin kung ano iyong nangyare since hindi ko pa nasasabi sa kanya at tama nga ako.
"Bestie, ano nangyare?" sabi nya habang hinihimas iyong ulo ko. Inangat ko naman iyong ulo ko at niyakap sya.
"Break na kami" sabi ng umiiyak.
"HA?! BAKIT?!" Nagulat naman sya sa sinabi ko at napalakas iyong pagkakatanung nya.
"SSH. Hinaan mo lang naman." sabi ko sa kanya. Eh ang lakas lakas naman kasi ng boses nya eh.
"Sorry sorry. Nabigla lang ako."
"Okay lang" sabi ko sa kanya.
"So bakit kayo nagbreak?"
"Hindi ko alam. Basta sabi nya break na daw kami. Nung tinanung ko naman kung bakit ang sagot lang nya basta. Ang sakit eh. Sobraaaaaa." totoo naman eh. Akala ko nga dati, OA lang magreact iyong iba pag may nakipagbreak sa kanila pero masakit pala talaga. Sobra pa sa sobra. Feeling ko nabasag ng sobra ang puso ko at wala ng pag-asa pang mabuo ulit.
"Lintik talaga na Dylan iyan. Makikipagbreak tapos ang rason eh basta?! Anu ba naman iyan!!" toh namang si Jane makareact kala mo sya iyong binreak eh. Pero kahit ganyan iyan, mahal na mahal ko iyang bestfriend ko. Best among the best nga sya eh. Di na lang ako sumagot sa kanya. I gave her a fake smile which I know alam nyang fake lang iyon. Etoh pa? Eh para ngang mas kilala pa nya ko kaysa sa sarili ko eh and vice versa.
Dumating na iyong teacher namin. Nagturo lang sya ng kung ano ano. Since broken-hearted ako hindi na lang ako nakinig. Habang nagtuturo ang teacher namin bigla namang pumasok si Dylan. Nakalimutan ko.. kaklase ko nga pala sya.. and he's not alone. He's with someone pa. Ang sakit lang. Parang dinudurog nanaman ang puso ko.. </3 Hindi man lang nya inisip ang mararamdaman ko? Siguro nga.. Wala na syang pakielam sa akin.
"I'm sorry we're late. Tinour ko pa po kasi sya dito sa school natin." pageexplain naman nya. Tumango na lang iyong teacher namin and pinaupo na sila. Tumingin naman sa akin si Jane. Kasi alam ko worried sya sa akin. Nagsmile na lang ako as a sign na okay lang ako. Okay nga lang ba talaga? Shit! Alam ko sa sarili ko na anytime babagsak na ang luha ko pero pinipigilan ko lang.
Kaya ba sya nakipagbreak sa akin? Kasi may bago na sya?? Ang sakit. Sobrang sakit. Sana sinabi na lang nya. Bat ba ganun sya? Ganun na lang ba talaga kadali sa kanyang itapon ang mahigit 2 years na pinagsamahan namin para lang sa sandali lang nya nakilala? Na sa konting panahon lang na iyon nahulog na sya agad sa iba?
Dinismiss na kami ng teacher namin. Lunch na namin ngayon. Bumibili si Jane ng pagkain nya. Since wala akong ganang kumain sabi ko sa kanya na hahanap na lang ako ng upuan.. Ng makahanap ako ng upuan, naupo na ako. Kaso nakita ko si Dylan na kayakap iyong babaeng kasama nya kanina. Parang dinudurog nanaman ang puso ko.. Hanggang kailan ba ako masasaktan?
Umupo na si Jane sa table namin. Kain lang sya ng kain.. samantalang ako.. kanina pa paulit ulit na nagpeplay back sa utak ko ang nangyari.
"Ui, bestie. Bat ka umiiyak?" Ha? Umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan.. Ano ba namang buhay toh o-oh. Umiling na lang ako as a sign of response ko.
"Makakalimutan mo din sya." sabi nya.
Sana nga.. SANA..
Pagkatapos nyang kumain.. Nagpunta na kami sa room namin.. Nagdirediretso ako sa upuan ko at umub-ob. Dumating na iyong teacher namin pero ganun pa din iyong position ko.
Uwian na.. Umuwi na ako kaagad. At nagkulong sa kwarto ko.. Sa kakaiyak ko.. Nakatulog na ako..
Lumipas ang 3 buwan.. hindi pa din ako nakakamove-on. Madaming nanliligaw sa akin pero ni isa sa kanila.. wala akong sinagot. Alam ng puso't - isipan ko na ikaw pa rin, Dylan.. Pero dadating din ang panahon na makikilala ko ang taong magpupuno sa mga nagawang pagkukulang mo.. Dadating din ang panahon na magiging masaya ako sa piling ng taong mas mamahalin ako higit sa pagmamahal mo sa akin.
Alam ko.. dadating din ang araw na makakalimutan ko na ang pagmamahal ko sa iyo dahil dumating na ang taong mas mamahalin ko at maghihilom ng sugatan kong puso at bubuo ulit sa nadurog kong puso.