Naranasan nyo na bang mapagbintangan na magnanakaw?
Hano ba 'yong feeling?
sakit ba?
kaba ba?
Takot?
Alam ko masakit eh.. dati..
kasi ginawan nya ng ibang version.
Kung ang naramdaman nyo ay sakit, kaba at lungkot..
Ang sakin naman, saya
Oo, masaya ako nung pinagbintangan nya ako.
Weird ko ba?
Basahin mo kung curious ka! ;)
_____________________________________
Ako si Marie! Meron akong sikreto!
Siktretong malupit! Gusto mong malaman?
Ayoko nga! Secret nga eh. :P
Andito ako ngayon sa bahay.
Bakit? Wala kasi kaming pasok ngayon.
Bakit? Kasi hindi ko alam, okay?
"Marie! Andito si Glennda " si mommy ko 'yon.
Ang ingay nya noh?
Pero mahal na mahal ko 'yan!
"Opo, pababa na" ang bait ko bang anak?
Oo naman! Kung bastos ako...
Eh di napagalitan ako!
Bumaba na ako...
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sabay taas ng kilay.
Magaling akong magtaas ng kilay!
Left and right, up and down!
"Masama bang dalawin ang bestfriend ko?" tanong nya.
Hindi ako naniniwala..
Una, tamad 'yang lumabas ng bahay nila.
Pangalawa, hindi sya magtyatyagaang puntahan ako.
Pangatlo, hindi nya ako pupuntahan dito kung wala syang kailangan..
Kuha nyo?
"Hwag mo kong lokohin, alam ko may kailangan ka." sabi ko sabay.. teka... di ko alam 'yong tawag.. basta pinagekis ko 'yong kamay ko sa may dibdib.. basta 'yon.. gets nyo? Kung hindi okay lang.. Buo pa naman 'yong story.
Kung ano man ang gusto nyang gawin ko..
Hindi ako papayag.
"Oo na, pasama sa mall." sabi ko sa inyo eh.. Bilib na ba kayo? Pero.. hindi ako papayag.
"Oh sige, bibihis lang ako." pagkasabi ko nun umakyat na ako sa taas at nagpalit na ng damit.
Nagtataka ba kayo kung bakit ako pumayag pero ang sabi ko kanina hindi ako papayag?
Simple lang.. bawal bang magbago ang isip ng tao? sige nga! Ipakita nyo sa akin ang republic act no. na nagsasabi na bawal magpalit ang isip ng tao?
Osya, madaldal na.
Bumaba na ako ng hagdan at umalis na rin kami ni Glennda.
Habang papunta kami sa mall..
Kung ano ano lang ang pinagsasabi ni Glennda.
Ang daldal nya! Magkabliktad kami kasi tahimik akong tao. Diba?
Umangal sapak!
Di rin naman nagtagal eh nakarating na rin kami sa mall.
Mga 15 minutes nga'yong byahe namin eh.
Si manong tricycle kasi.. Ang bagal bagal magdrive!
Usually kasi mga 10 minutes lang! Diba?
"Ano bang gagawin natin dito?" tanong ko. Para naman ready ako.
"Basta, punta tayo sa department store." sabi nya sabay hila sa akin.
Nagpahila naman ako.
Bakit? Wala kayong pakielam!!
HAHAHAHAHAHAHAHA :))))))))
Habang naglalakad kami.
Biglang may humila sa akin..
Pagtingin ko si Boogie!
'Yong crush ko. :">
Hwag nyong pagtatawanan ang pangalan nya!
Bakit? Kasi.. una, hindi naman nakakatawa.
pangalawa, malilintikan kayo sa akin.
"Nnakaw nya po!" sabi nya sa mga kasama nyang Guard na ikinagulat ko!
Bakit? Syempre, hindi ako handa.
Tsaka kadarating lang naman namin tapos pinagbintangan agad ako?
Kinabahan ako! Ay mali, kinakabahan!
Dumami na din ang taong nakikiusyoso.
"Hoy, boogie! Hindi ko ninakaw ha! tsaka di ako magnanakaw!" sigaw ko sa kanya.
Bakit? Kasi inosente ako.
"Ninakaw mo!" sabi nya.
"Ehem, Sir. Ano po ba ang ninakaw nya?" pagtatanong ni manong Guard.
"Nako po manong guard! Wala po akong ninanakaw!" sabi ko sa kanya. Nasan na ba kasi Glennda?
"Manahimik ka muna pwede?" sabi sa akin ni Manong Guard.
Tumahimik naman ako.
Bakit? Kasi masunurin ako.
"Oh sir, ano po ba 'yong ninakaw nya?" tanong ni Manong Guard kay Boogie.
"Puso ko." O_O <-- Ganyan ang reaksyon ko.
Una, kung ninakaw ko ang puso nya.. Bakit buhay pa sya?
Pangalawa, kung ninakaw ko ang puso nya.. ibig sabihin nun.. gusto nya ako?
"AYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII" sigaw ng mga taong nakarinig.
Natuwa naman ako dun.. tsaka nalungkot.
Bakit ako natuwa?
Una, kinikilig ako.
Pangalawa, ang sweet nya.
Pangatlo, gusto nya din ako.
Bakit ako nalungkot?
Una, hindi pa ako pwedeng magboyfriend.
Pangalawa, hindi pa ako pwedeng magboyfriend.
Pangatlo hindi pa ako pwedeng magboyfriend.
Pero ang sabi naman nya...
Maghihintay sya..
Dapat lang noh!
Kung hindi..
Magsisisi sya!
Malaki kaya akong kawalan! :P
Nalaman ko din na plinano nila toh ni Glennda.
Kung nasan man sya.. wala na akong pakielam.
HAHAHAHAHA. JOKE LANG SYEMPRE!
UMUWI NA DAW SYA.
PAANO KO NALAMAN?
NAGTEXT EH :P
--END--