<Jiana's POV>
Pasukan na namin ngayon.
Heto ako bagong lipat sa school ng bestfriend kong si Alexis.
Maganda at malaki naman sya kaso mas maganda at mas malaki 'yong school ko dati.
Pero wala naman 'yon sa akin, dinedescribe ko lang.
Papasok na ako sa gate ng makita ko si Alexis.
Kumakaway pa.
Hahahaha!
Sira talaga 'yon.
"Makakaway ka naman dyan." sabi ko sa kanya.
"Ganyan ako magwelcome ng new student" sabi nya. Loko talaga ito XD
"Feel na feel mo naman. Hahaha!" sabi ko ng pabiro.
"Naman! Tara, pasok na tayo sa room natin. Good thing at magkaklase tayo" buti naman.
Kung sa ibang section ako malagay baka maging loner lang ako. -_-"
'Yan ang hirap pag new student.
Wala kang masyadong kakilala at kaclose.
Pumunta na kami sa room namin.
At naupo na.
Wala ngang nakapansin na pumasok kami kasi busy silang lahat sa pakikipagdaldalan.
Dahil siguro sa first day ngayon at miss na miss na nila ang isa't-isa.
Namimiss ko na ang mga old friends ko -_-.
"Ano naman ang tingin mo sa school?" pagtatanong ni Alexis.
"Ayos naman." sagot ko.
"Buti naman at nagustuhan mo dito" sabi nya.
"Pero mas gusto ko pa rin sa old school ko >3<" sabi ko sa kanya.
Oo, mas gusto ko dun.
Kung hindi lang dahil....
Wala, tsaka ko na lang sasabihin sa inyo paghanda na akong magkwento.
"E bat ka ba kasi lumipat dito?" pagtatanong nya.
"Tsaka ko na lang sasabihin. Di pa ko ready na magkwento." sabi ko.
"Oh sige, basta ha? Pagready ka na sabihin mo sa akin, okay?" nagnod na lang ako.
Nagkwentuhan na lang kami ng kung ano ano.
Di rin naman nagtagal e nagbell na.
Pumasok na 'yong teacher namin at inikot ang mga mata tapos nagsmile sya sa akin.
Hmm?
Parang ayaw ko ng ngiti nya ha?
Hahahahaha!
Di naman sa panlalait.
Parang may binabalak kasi >3<
"May new student pala tayo. Hija, magpakilala ka na sa harap." sinasabi ko na nga ba e!
Nagbulungan naman 'yong mga estudyante.
Lahat sila mga nagtataka kung bakit hindi nila ako napansin. -_-
Paano nila ako mapapansin e mga busy bee sila kanina -_-"
Nagpunta na ako sa harapan at nagsimula na akong magpaaala.
"Hey, I'm Jiana Monique Lopez. 16. I'm new here. I hope we can all be friends. That's all. Thanks." pagkasabi ko nun, bumalik na ako sa upuan ko.
"So my dear students, please be nice to her and make friends with her also." sabi ni ma'am.
Nako, sana nga.
Hahaha!
"Naks best, mamaya dudumugin ka na nila." bulong sa akin ni Alexis.
Ehhh?
Bat naman?
Kung sa bagay..
Para maging kaibigan ko.
Ay ang echosera ko lang. XD
"E bat naman? Di ko nga alam kung nagustuhan ba nila ako e"bulong ko rin sa kanya.
Totoo, wala nga silang karea-reaksyon nung magpakilala ako e -_-
Oo, mga nakatunganga nga lang sila e
"Maniwala ka sa akin nagustuhan ka nila. Kung hindi ka nila gusto e di sana binully ka nila kanina."bulong nya pabalik.
Gurabii.
Ganon ba dito? O_O
"Gurabi nemen. -_-"bulong ko.
Totoo nman e, buti na lang talaga! XD
Nagorientation na kami..
Nagdiscuss lang si ma'am bernacles ng mga rules and regulations.
Ang daya nga kasi ako lang ang nagpakilala.
Dapat sila rin e.
Di rin nagtagal e umalis na 'yong teacher namin.
"Hi. I'm Girly."
"I'm Pauline."
"I'm Princess."
"Lea here."
"Leo at your service."
"Ako si Luis."
Hanggang sa lahat na sila nagpakilala.
Natandaan ko naman sila kahit papaano XD
"Easy lang. Baka mahilo sa inyo si Jiana nyan." pasabing paloko ni Alexis.
Nagtawanan naman sila.
Aba, benta ha!
Havey! XD
"E kasi gusto namin syang maging kaibigan. Mukha syang mabait tsaka ang ganda nya." sabi ni Princess.
Awwe, nakakatouch naman.
Pero para silang mga isip bata XD
"Para naman kayong mga bata. -_- Di kayo mukhang 4th year mag-isip." sabi ni Alexis.
May point naman sya dun.
Pero ayos lang. :))
"Ano ka ba? Ayos lang 'yon." sabi ko kay Alexis.
Totoo, ayos lang.
"Ang bait mo naman. Buti na lang at hindi ka nagmana dito kay Alexis." sabi ni Pauline. Hahahahaha!
"Che!" sabi nya.
Nagtawanan naman silang lahat. XD
Komedyante ata si Alexis dito e XD
Nagbell na.
Hindi man lang ako nakakain. -_-
Paano ako makakakain kung dinumog nila akong lahat at tanungin ng kung ano ano?
Pero ayos lang.
At least, nagustuhan nila ako.
Nagbotohan na kami ng class officers.
Napagtripan nga nila ako e.
Gawin ba naman akong muse?
Mga sira e.
Tapos 'yong escort naman si Jacob ba 'yon?
Basta 'yon.
Di ko nga kilala e.
Absent daw 'yon ayon kay Alexis.
Well, first day na first day absent.
Hanubanaman 'yon? XD
Di rin naman nagtagal e uwian na namin.
Inaaya nga ako ng mga new friends kong gumala kaso sabi nila mommy umuwi daw ako kaagad para daw mapag-usapan namin kung ano ang nagyari or kamusta ang first day of school ko dito.
Kaya sabi ko sa kanila na pass muna ako.
Sinundo na ako ni Mang Fred at umuwi na kami sa bahay.
Sakto naman na naghihintay sila sa may living room.
Si mommy nanunuod ng tv habang si daddy naglalaptop.
As usual, work related.
"Hi mom. Hi dad." bati ko sa kanila sabay beso.
Ganyan lang kami.
Close na close nga kami ng magulang ko e.
Minsan parang barkada lang ang turingan namin XD
"So, kamusta naman ang first day?" pagtatanong ni mommy.
"Well, ayos lang naman. Guess what? Ang dami ko ng new friends!" sabi ko sa kanila.
Ang sarap pala sa feeling kapag ganon. :))
"Mabuti naman. Wala namang mga naging problema?" pagtatanong ni Daddy.
"So far, wala pa naman." sabi ko.
"Oh, magbihis ka na at kumain ka na. I'm sure gutom ka." sabi ni mommy.
Hay, kahit kailan talaga si mommy.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis.
Kumain na rin ako gaya ng sabi ni mommy.
Pag hindi ko sinunod 'yan I'm sure papagalitan ako nun. -_-
Kesyo baka magutom daw ako, magkasakit.
Lahat ng posibilidad na mangyare once na hindi ka kumain asahan mong lalabas 'yon sa bibig nya.
Pero kahit ganon 'yon, mahal na mahal ko 'yon!
Syempre, pati na rin si daddy.
Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa taas at nagfacebook na lang ako.
Gurabii!
Ang daming nag-add sa akin.
Halos lahat ng kaklase ko.
Hahahaha!
Katuwa naman sila.
Ang kukulet nga nila e.
Inaccept ko na silang lahat tapos chinat ako ng mga old friends ko sa school ko dati at naglog out na ako.
3 hours rin akong nagfacebook.
New school, new friends, new environment!
Then I fell asleep.