May tanung ako..
nagmahal ka na ba ng taong iba ang mahal?
ng taong sa tingin mo'y kailanma'y hindi magkakagusto sayo?
na ang akala mo kaibigan lang ang turing sayo?
na minsan never mong maiisip na mamahalin ka din pabalik?
na magugulat ka na lang na pag isang araw nagconfess sya sa iyo ng feelings nya for you?
at masasabi mo na lang na.. HA? MAHAL MO KO?!
basahin nyo na lang po ng malaman nyo. ;)
--
Hi. Ako nga pala si Denisse Anne Castillo. You can call me Den. Freshmen or First year highschool pa lang ako. Sa katunayan nga e.. Bago pa lang ak sa school. Wala pa nga akong friends e. Kaya andito lang ako sa room. Nakaupo. Nag-iisa. Walang kumakausap. Habang nag-iisip ako dito hindi ko namamalayan na may kumakausap na pala sakin. Sa katunayan nga lalaki sya at take note gwapo ha. :D.
"Ui. Ano name mo?" sabi ni classmate
"A. Denisse. You can call me Den Ikaw?"
"I'm Calvin." oh. So calvin pala ang name nya. Crush ko na sya. Haha.
"A. Haha :))"
"Friends tayo. Pwede?" syet ang bait bait nya. Crush ko na sya!
"Oo naman. Tutal wala pa naman akong friends dito e. ^_^"
"Talaga? Tara pakilala kita sa friends ko." so nagpunta na kami dun at ipinakilala nya ako. They are nice naman so i think makakasundo ko sila. Sila nga pala sina.. James.. CJ.. Brent.. Chad.. Mike.. Ella.. Jane.. Janine.. Dae nila no? Sabi nga nila the more the merrier. ;).
So ayun nagbell na at pumasok na ang adviser namin. Syempre first day hindi mawawala jan ang introduce your self in front of the class syempre kabado ako. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Anu ba Den? Dont stress yourself. Hindi ko namamalayan. Ako na pala ang magpapakilala.
"Hi. My name si Denisse Anne Castillo. You can guys call me Den. Im new here so i hope that we can all be friends. That's all!" nagpalakpakan naman sila nangunguna nga sa pagpalakpak si Calvin with his barkada. Katuwa talaga sila. So naupo na ako sa seats ko of course katabi ko si Calvin.
Infairness dito kay Calvin andaming gals na nagkakagusto. So i think, never nya akong magugustuhan.
Inaasar nga pala kame ng mga kaklase namin kasi daw super close na daw kame ni calvin. Halos hindi na nga daw kami mapaghiwalay e. Panu ba naman kami magkasama sa break.lunch at minsan hinahatid nya ako pauwi. Alam ko naman na never nya akong magugustuhan e. As in never. Awwts lang.
Nandito nga pala kami sa room ngayon. Wala nga kaming teacher kaya party party. Haha! Nagkwentuhan lang kame ng mga kabarkada ni calvin. Sabe pa nga nila wag na daw akong mahiya sa kanila kasi im part of them na daw. Syempre flattered much naman ako. ;).
So ayun, nagkwentuhan lang kami. Eto naman si Calvin may importante daw na sasabihin so.. Nakinig na lang kame sa kanya. At nagulat ako sa sinabe nya ha.
"Meron na akong mahal. ^_^" Calvin.
Awts! Ang sakit naman nun. May ibang mahal na ung crush ko. Kaso hindi ko na lang ata sya crush e. Mahal ko na ata. Ang sakit lang. Syempre hindi na lang ako nagpahalata.
ako TT_TT
reasyon nila.. O____O.
"Sino?" sabay sabay naming sabi.
"Secret! Malalaman nyo din yan soon. Sa christmas party." Calvin. Kung sa bagay malapit nanaman na ang christmas party. Sa december 16 christmas party namen. E december 14 na ngayon.
"Aba! Mukhang seryoso ka sa kanya a!" Ella.
"Oo naman! Nalove at first sight nga ako sa kanya e." Calvin.
"Congrats pare!" James.
"Congrats!" sabe naman namen.
So after that heartbreaking convo. Umuwi na kami. As usual hinatid nanaman nya ako. Tinanung nga nya ako kung anu ang gusto kong stuff toy e. Nagtaka ako syempre. Kaya tinanung ko kung bakit. Ibibigay nya lang daw sa mahal nya. Ang sakit lang ha.
Pagtapos non. Pumasok na ako sa loob.
After 2 days. Christmas party na. Ngayon na din nya sasabihin sa amin kung sino ang mahal nya. Syempre niready ko na ung sarili ko sa posibleng maging reaction ko. Na posibleng maramdaman ko.
Ayan na sya tumayo na sa harap.
"Guys may important announcement ako." Calvin.
"Ano yun?" Sabay sabay nilang sabe.
"Guys may mahal na ako! At gusto ko syang makilala nyo."
"Sino?!" classmates.
"Si Denisse Anne Castillo."
O_O reaksyon ko at reaksyon nila.
"Ha? Mahal mo ko?!" ako.
"Oo mahal kita! Sayo ako nalove at first sight. Kaya Den. Will you be my girl?"
"Oo! Kala ko naman kung sino na ung mahal mo. Nasaktan pa ako un pala ako lang un! Nakakainis ka! TT_TT" ako yan.
"Sorry na! Promise! Di kita na sasaktan. I love you denisse!"
"I love you too!" ako naman.
"ayiiiiiii." mga kaklase ko yan. Haha. Mga sira talaga sila.
So ayun tinuloy na lang namin ung party then bigayan na ng gifts. nakuha ko ung stuffed toy na tinanung sa akin dati ni Calvin. Cute talaga. ^_^ Then after that hinatid na nya ako sa bahay namin. Iyon na ata ang best christmas gift I've ever had!
--END--