"Class, next friday na iyong Prom nyo. So maghanap na kayo ng partner." sabi ng adviser namin.
"Eh paano po kung walang partner?" tanong ng isa kong kaklaseng si Irish, kabarkada ko.
"Well, ayos lang. Di naman required ang partner eh." nagbulungan nanaman iyong mga classmates ko.
"So that's it. Goodbye class." lumabas na iyong teacher namin.
"Huy. Sabay tayong bumili ng gown ha?" sabi ni Yvette, bestfriend ko..
"Bahala ka." sabi ko sa kanya ng walang gana.
Haish! Di naman ako excited sa prom eh. Kasi siguradong hindi ako yayayain ni Dherreik, iyong long time crush ko since first year.
"Etoh naman parang hindi excited." sabi naman nya.
"Eh hindi naman talaga eh." sabi ko sa kanya. totoo naman eh.
"Sows! Bat naman?" pagtatanong nya sa akin.
"Eh sa tingin ko hindi ako yayayain ni alam mo na"
"Bea ano ka ba? Kakaannounce pa lang. Malamang ayain ka nya agad. Don't lose hope. Ang ganda ganda mo eh.." Sabi nya. Pero tama naman sya eh.
"Kung sa bagay" sabi ko naman sa kanya.
"So, bili tayo ng gown bukas *u*" etoh namang isang toh, nagi-sparkle pa iyong mata. Parang ngayon lang bibili ng gown.
"Oh sige. Doon na lang sa botique namin I'm sure libre ka doon. Si mommy pa!" Oo may botique kami. Isang sikat na fashion designer si mommy.
I'm Bea. Obviously, third year highschool na ako. Sa ********** ako nagaaral.
"Ay! Oo nga pala may botique kayo nakalimutan ko" haish! Ulyanin na talaga toh XD
"Ulyanin. :p"
"Che!"
So pumasok na iyong next teacher namin. Turo lang sya ng turo pero hindi ako nakikinig. Nasa isip ko pa din iyong prom. Yayayain nya kaya ako? Pero hindi ako umaasa.. imposible naman kasing yayain nya ako eeeeeee.....
Pero alam nyo.. maraming nagsasabi na crush daw ako nun. Sus! Di ako naniniwala. Imposible naman kasing magustuhan nya ako. Pero alam nyo.. minsan gusto kong maniwala.. Pero mahirap magexpect lalong lalo na at hindi ko sa kanya mismo naririnig. Haish! Nagemote na ako dito.
Break na namin. Nagpunta na kami ng cafeteria tapos kumain na kami ng lunch. Nagkwentuhan lang kami. Kesyo excited na daw syang pumili ng gown. Luka talaga toh.
Pumunta na kami ng room at nagturo nanaman ang aming butihig guro. Turo lang sya ng turo.. Ako? Etoh pinipilit kong makinig.. Perooo walang pumapasok sa isip ko. Pre-occupied ang isip ko.
Uwian na namin. Umuwi ako kaagad sa bahay since tinatamad akong gumala. Inaaya nga ako ni Yvette, Marie, Irish, Chelsea and many more. Mga gala talaga iyon. Palibhasa friday ngayon. Psh. Si Yvette naman na akala mo eh nakasubscribe sa unlimited at paulit ulit na pinapaalala sa akin na bukas na daw kami bibili ng gown.
Andito ako sa room ko. Nagopen na lang ako ng Fb since wala akong magawa. Habang nage fb ako bigla naman akong chinat ni ehem Dherreik. Grabe! Ako na kinikilig
FR: Dherreik
Hi. :)
TO: Dherreik
Hello :)
FR: Dherreik
May partner ka na sa prom?
Oh my gosh! Yayayain ba ko neto? Ehem, ako na feeling. HAHA!
TO: Dherreik
Wala pa. Bakit?
FR: Dherreik
Good. Uhm, wala lang
AY!
TO: Dherreik
Eh ikaw ba?
Sana walaaaaaaaaa pa!!!
FR: Dherreik
Wala pa din.
YESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!
TO: Dherreik
Ah..
FR: Dherreik
Sige ha? Out na ko :))
Aww.
TO: Dherreik
Sige. Bbye!
At nag-out na sya. Nagout na din ako. Grabe! He made my day! Kung kanina parang tinatamad ako ngayon, nabuhayan ako ng dugo. HAHA. Oa na kung oa. Ganyan talaga pagchinat ka ng mahal mo. ay? Mahal? San galing iyon? XD AY basta, masaya ako. \:D/
Nagmovie marathon na lang ako mag-isa. Oo mag-isa. Wala pa si mommy eh kaya ako na lang mag-isa. Si daddy naman na sa office pa. Tapos wala akong kapatid, ayaw kasi nilang gumawa eh. HAHA. Hala? San galing iyon? Nevermind.
Habang nanunuod ako biglang nagring iyong cellphone ko. Si Yvette pala. Bakit naman kaya sya napatawag? Hmm..
"Hello?"
[Uy. Bukas tayo bibili ng gown ha?] haish. heto nanaman po tayooo.
"Oo nga, paulit ulit ka nanaman eh. Kanina mo pa sinasabe yan" totoo naman eh. XD
[Pinapaalala ko lang. Baka makalimutan mo eh. HAHAHA!] Ay ang luka? makatawa naman toh parang wala ng bukas.
"Saya mo ah?"
[Syempre naman kasi excited na kong bumili ng gown!!] sabi nya tsaka nagtititili. Karindi naman ang boses nito. Di ko nga alam kung paano kami naging magbestfriend eh. HAHA.
"Haish. Makatili naman toh. Oh sige na, I'm hanging up na." sabi ko sa kanya kasi gabi na din.
[Oh sige. Bubye!] sabi nya tapos binaba ko na..
Nahiga na ako sa kama at natulog na..
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
*KINABUKASAN*
Maaga akong nagising.. naligo na din ako at nagbihis na.. baka mamaya mabungangaan nanaman ako ni Yvette dahil ang tagal kong kumilos.. para pa namang nakalunok ng mega phone iyon. -__________-
Habang hinihintay ko sya.. kumain na ako ng breakfast. Maagang umalis ang parents ko ngayon dahil marami daw silang aasikasuhin.
Di nagtagal dumating na din si Yvtte tapos umalis na kami.
Andito na kami sa botique namin at pumili ng damit. Ang napili kong damit ay color violet na tube na gown and may mga diamonds na kumikinang.. hay! hindi ako magaling magdescribe ng damit. Pagpasensyahan nyo na. Basta maganda sya. (tignan nyo na lang ung picture sa gilid)
Iyong kay Yvette naman color black na.. di ko alam iyong tawag.. Basta maganda din sya.
Pagkatapos naming pumili eh pinakita na namin kay mommy iyong napili namin at sinabi nyang okay na daw. Pinalagay nya sa paper bag iyong gown namin.
After that, nagmerienda na kami. Nagkukwentuhan lang kami. Habang nagkukwentuhan kami biglang nagvibrate iyong cellphone ko. Tinignan ko naman kung sino.. To my surprise si ehem Dherreik.
FR: Dherreik <3
Ui. Anong color ng gown mo?
--end--
Hmm.. bat naman kaya nya natanong? Nevermind.
TO: Dherreik <3
Violet. Why?
--end--
FR: Dherreik <3
Ah. Okay. Wala lang XD
--end--
Ayan nanaman sya sa wala lang. Psh.
TO: Dherreik <3
Okay.
--end--
Pagtapos noon hindi na sya nagreply.
"Sino ba iyong katext mo?" masyado talaga tong nosy.
"Si Dherreik." sabi ko na pinipigilan ang kilig XD
"Ayiii. Bakit daw?"
"Wala. Tinatanong kung ano ba daw color ng gown ko. Weird nga eh."
"Ahhh.. Ehh baka naman yayayain ka nya?" tanong nya sa akin.
"Imposible iyon!" sabi ko sa kanya.
"Malay mo.."
Lumipas ang araw at bukas na iyong prom namin. Practice lang kami ng practice para sa cotillion. Swerte ko nga at si Dherreik ang partner ko eh.
Andito kami sa room ng mga kaibigan ko. Nakakainis nga ehh.. Walang nagyayaya sa akin. Bakit kaya?
*sigh*
"Oy, bat ba panay ang buntong hininga mo dyan?" tanong ni marie
"Oo nga." Si Irish naman yan.
"Ano bang problema?" tanong naman ni Che, short for chelsea.
"Eh guys. Pangit ba ko?" tanong ko in a serious tone.
"HAHAHAHAHA" Nagtawanan naman sila. Seriously, anong nakakatawa?
"Hui. Bat ba kayo tawa ng tawa?" tanong ko sa kanila. Eh ang weird nila eh.
"Bat mo naman natanong?" si marie.
"Eh kasi, kayo may partner na tapos ako wala pa." sabi ko ng malungkot.
"Eh paano naman may magyayaya sa iyo.. eh may nakalagay ng RESERVED dyan sa likod mo.."
EHHHHHHH?
Tinignan ko naman iyong likod ko at may nakalagay nga!
"Eh guys, sino naman ang gagawa nito?" tanong ko sa kanila.. kasi ang weird.
"Ehem.." sabay turo nila sa may pintuan..
"Dherreik?!" gulat kong tanong..
"Ehem.. Maiwan muna namin kayo guys! Dun lang kami sa canteen ha?" sabi ni che. umalis na sila ng room at kaming dalawa na lang ang laman nitong room. Shete, kinikilig ako :">
"Uhmm.. for formality.. tatanungin kita.. pwede bang ikaw na lang ang date ko sa prom?"
WAAAAAAAAAAAAAAH! Ako na kinikilig XD
"Oo naman." sabi ko ng may halong saya sa puso ko.. ay ang corny shet!
Pagtapos nun ay umalis na sya.. kasi may gagawin pa daw sya so.. pinuntahan ko na sila che sa canteen at ang mga luka naghiyawan.. pinagtinginan tuloy kami ng mga estudyante. Kumain na kami then nagkanya kanyang uwi na kami since kailangan naming magprepare para naman stunning kami bukas.
Nakahiga na ko sa kama ko at parang hindi pa din makapaniwala na niyaya ako ni Dherreik na maging prom date nya.. WAAAH. Nagpagulong gulong ako sa kama ko.. Grabe!!
*bzzt* *bzzt*
Nagulat naman ako. XD
FR: Dherreik <3
I'll pick you up sa house nyo.. around 5:30
--end--
WAAAAAAH! 6:00 kasi iyong time ng prom. Since malapit lang iyong bahay namin sa paggaganapang hotel.. kaya 5:30..
Huwaaaaaaaait? Alam nya ang bahay ko???!! WAAAAAAAAAH! Kilig naman ako :">
TO: Dherreik <3
Okay :)
--end--
Pagkasend ko nun nanuod na lang ako ng tv then natulog na ako..
*Prom day*
Inaayusan na ako ni mommy. Oo, si mommy sabi nya kasi gusto daw nyang sya ang magaayos sa akin sa mga special occassions kagaya nito. Mga 4:00 pa kami nagaayusan dito. At sa wakas natapos na din after 1 1/2 hour eh natapos na din. Hindi naman kasi ako ganon kahirap ayusan.
Di nagtagal eh biglang may nagdoorbell. Sabi ni mommy eh sya na lang.. Lumabas na sya ng pinto ng kwarto ko then.. kabooom! Tinawag nya ako at si Dherreik daw eh nasa labas na..
Bumaba na ako ng hagdan since ayokong maging patagal.
Nung nakababa na ako ng hagdan. Si Dherreik naman nakatulala lang sa akin. Gurabiii! Ang pogi nyaaaaaaaa! As in. Iiiii, Kilig naman ako :">
"You look beautiful." awwe. :')
"Thankyouu. Ikaw naman ang pogi mo" sabi ko naman sa kanya.
"Oy! Mamaya na nga kayo magbolahan at baka mahuli pa kayo.." nakooo. etoh talaga si mommy, panira ng moment.
"Oh sige po tita.. Aalis na po kami.."
"Oh ingatan mo yang anak ko ha?" nagnod naman si Dherreik.
"Oh sige my, alis na kami" sabay kiss ko sa kanya sa cheeks.
Sumakay na kami sa sasakyan nila. Pinagbuksan pa nga nya ako ng pinto eh. Sweet nya XD. tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa school.
Pinagbuksan nya ako ng pinto then he offered his hands to me. Syempre tinanggap ko. Pumasok na kami sa loob ng hotel.
Nagtinginan naman ang mga tao sa amin. At nagbulungan..
"Bagay sila noh?"
"Grabe.. ang pogi ni Dherreik ngayon.."
"Ang ganda ni Bea.."
Nginitian na lang namin sila at pumunta na kami sa table kung nasaan sila marie.. In fairness ang gaganda nila ngayon..
Di nagtagal nagsimula na din..
Nagcotillion na din.. swerte ko nga dahil si Dherreik ang napiling partner ko dun eh. Pagkatapos ng cotillion
Di nagtagal.. Nagceremony na din.. Nagcandle lighting. Nagpassing of responsibilities. Naglast will and testament at kung anu-ano pang gimmick.
After that ang sabi ng mc iaanounce na daw ang prom king at prom queen.. Lahat naman ng tao natigilan sa mga pagkain nila at tumahimik. Ako? Wala, nakatunganga lang.. Sure naman akong hindi ako mapipili eh. So nandito ako sa upuan namin at lumulutang ang isip ko..
"Hui Beaaa!" sigaw naman sa akin ni Yvette. Grabe! Para talaga tong nakalunok ng megaphone..
"Bakit ba?" sabi ko..
"Hanu ka ba? Tawag ka na sa stage.. Ikaw kaya iyong prom queen.." sabi nya sa akin.. I was like O_____O
Hindi pa nagsisink in ang mga sinabi ni Yvette eh pinagtulakan na nila ako at pinapunta sa stage.. At ang prom king.. guess who? No other than ehem.. Dherreik.. Grabe!! Di pa din ako makapaniwala..
Sumasayaw kami ngayon.. Tahimik lang kaming nagsasayaw..
Pagkatapos naming sumayaw.. inannounce na ng mc na pwede na kaming magsayaw. First dance ko si Carlo (A/N: WAAAAAH! Peace Bea.. XDD) Hanggang sa dumami na ng dumami ang nagsasayaw sa akin. Hanggang sa inannounce na ng MC na last 3 dance na lang.. Kainis nga eh.. Di pa din ako sinasayaw ng prom date ko.. nagulat naman ako ng may nakita akong nakalahad ang kamay.. Pag-angat ko ng ulo ko.. si ehem Dherreik.. ako na kinikilig.. tinanggap ko naman iyon at pumunta na kami sa gitna.. sayaw lang kami ng sayaw.. tahimik lang kami hanggang sa sya na mismo ang bumasag ng katahimikan.
“Uhm, Bea” banggit nya sa pangalan ko.
DugDug.DugDug
Grabe, biglang lumakas ang tibok ng puso ko.. Ang sarap sa feeling na tinatawag nya ang pangalan ko. Heaven eh..
“Bakit?” tanong ko sa kanya..
“Sabi ng mga kaibigan mo crush mo daw ako?” tanong nya. I was like O________O Lagot sila sa akin mamaya. Nakakahiya.
“Hindi ah.” Pagdedeny ko.
“AY? Sayang..” hu?
“Bakit naman sayang?” tanong ko kasi nagtataka ako..
“Mahal kasi kita..” O_______O <-- Ganyan ang reaksyon ko..
“WEH. Hwag ka ngang magbiro..” sabi ko sa kanya.. makapagjoke kasi wagas eh. Pero alam ko sakaloob looban ko na humihiling na sana.. sana totoo..
“Totoo iyon. Simula nung second year nagkacrush na ko sayo tapos ayon di ko inaasahan na lalala..” sabi nya in a serious tone.
“Promise? Walang halong biro?” pagsisigurado ko.
“Mukha ba akong nagbibiro?” tanong nya sa akin.
“Hindi naman. Hindi lang ako makapaniwala na mahal mo ko..” sabi ko sa kanya. Totoo naman eh.
“Bat naman? Eh hindi ka naman mahirap mahalin..” WAAAAAAAH!!!! Ako na kinikilig. :”>
“Akala ko hindi ka magkakagusto sa akin eh.” Sabi ko sa kanya.
“Pwes, dyan ka nagkakamali.” Then he gave me a smile. Nagsayaw lang kami..
“Uhm, bea..” tawag nya ule sa akin.
“Hmm?”
“Hindi mo ba talaga ako gusto?” tanong nya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakita ko sa mata nya na parang nagmamakaawang sabihin kong may gusto din ako sa kanya. Bea, it’s now or never. Umamin ka na. AJA!! Kaya mo yan!!
“Hindi kita gusto.” Nakita ko naman na nalungkot sya. Ipinagpatuloy ko na lang iyong sasabihin ko “Kasi mahal din kita!” nakita ko naman na naglighten up iyong mukha nya at nagform ang lips nya ng wide smile.
“Talaga?” pagsisigurado nya.
“Yep.” Sagot ko naman.
“So can I court you?” tanong nya.
“Yes.” Sagot ko with a smile on my face.
In this prom day, I never thought that I would be happy. Lemme correct it, happier than I thought.. :) So far, this is the happiest day of my life! ^___^
--END--