<Jiana's POV>
Sinundan ko na si Jacob.
Di ko nga alam kung saan kami pupunta e -o-
Basta nakalabas na kami ng school.
Buti nga at walang guard e.
Kaya nakalabas kami. Bwahahaha =))
"Jacob, san ba tayo pupunta?" pagtatanong ko.
"Somewhere down the road" sagot nya.
Teka..
"Diba kanta yan?" pagtatanong ko
"Depende kung kakantahin mo" sagot nya.
Srsly, bat ba ganyan sya sumagot? >3<
Out of this world e. :P
"Che! De! San nga tayo pupunta?" pagtatanong ko
"Basta sumunod ka na lang" sabi nya.
KFine!
"E teka, maglalakad lang tayo?" pagtatanong ko.
Hangshaket na ng paa ko e.
Kanina pa kaya kami lakad ng lakad.
"Dun pa kasi ung sakayan" sabi nya sabay turo dun sa may terminal ng jeep.
Ulala~ di ako sanay magcommute! >3<
"Sanay kang magcommute?" pagtatanong ko.
Mahirap na, baka akalain nya sanay ako tapos hindi pala sya sanay tapos mapunta kami sa may maynila.
Hahaha!
Lawak ng imagination ko XD
"Oo naman. Ang dalidali lang e. Hwag mong sabihin sa akin na hindi ka sanay?" pagtatanong nya na tatawa tawa.
Anla?
Sasabihin ko ba na sanay ako?
E, baka mangasar lang to e.
Pero paano kung sinabi kong sanay ako tapos iniwan nya ko?
Haish!!!
"Hindi nga e" sagot ko.
Bumulaslas naman sya kakatawa. -_-
Hangsama naman ni koya! >3<
"Ang sama mo!" sabi ko sabay walk out.
"OY! San ka pupunta?" pasigaw nyang tanong sa akin.
"Somewhere down the road" pangagaya ko sa kanya.
"May pera ka ba? Diba nasa room ung pera mo? Bahala ka, ikaw rin." sabi nya.
Oh golly.
Nalimutan ko!!!
Ugh :/
Bumalik naman ako sa kanya.
"Tara na nga." pagyayaya ko sa kanya.
"You owe me a favor." sabi naman nya.
"Ano ba kasing favor 'yon?" pagtatanong ko na medyo may halong inis.
"Basta malalaman mo rin." hayan nanaman sya e
"Bahala ka." sabi ko sa kanya.
Nakarating na rin naman kami sa terminal.
Nagjeep na lang kami.
Ewan ko kung bakit?
Basta sunod lang ako ng sunod sa kanya.
Siksikan nga e, kaya naman ung isa kong katabi masyadong dikit na dikit sa akin. -_-
Lalaki pa naman.
Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni Jacob.
'Yong parang nilagay nya ung arms nya sa gilid ko para hindi ako madikit dun sa lalaki.
Basta ganun, imaginin nyo na lang.
Medyo nailang nga ako e, pero napangiti rin ako.
Sino ba naman ang magaakalang may sweet side pala itong malokong Jacob na to?
Dapat nya lang sigurong bawasan ung pagiging kwela nya.
Sobra kasi e.
Hahahaha!
Di naman nagtagal e nakarating na kami sa SM.
Sows, dito lang pala.
Hahahaha!
"Anong gagawin natin dito?" pagtatanong ko
"Magsuswimming"
Leshe!
Bat ba ang pilosopo masyado neto? -_-
"Sayang di ako nagdala ng swim suit" sagot ko naman.
"Ayos lang yan" pagkasabi nya non, pumasok na kami sa loob.
Naglakad lakad lang kami hanggang sa mapadpad kami sa timezone.
"Ililibre mo ko ng laro?" pagtatanong na feeling ko kumikislap kislap pa ung mata ko *u*
"Oo, basta gagawan mo ko ng favor" hayan nanaman sya tapos hindi rin naman sasabihin.
Pasuspense pa e XD
Pero dahil ilang beses nya akong nilibre kanina..
Papayag na ko
"Oo na." sabi ko na parang wala sa sarili =))
Naglaro lang kami ng naglaro.
Hangsaya nga e!
Nagbasketball rin kami pero natalo ko sya.
Galing ko talaga. 8)
"Daya mo e! Ginugulo mo ko" paninisi nya sa akin.
"'Yan ang tinatawag na strategy" sabi ko sa kanya na parang proud na proud pa.
"Madaya" sabi pa nya.
Di ko na lang sya pinansin.
Nagpunta na ako sa dance revo.
Magaling ata ako dun =))
At PROUD ako.
Wohohohoho :3
Di rin nagtagal e umalis na kami sa timezone.
Nagpunta na kami ng Mcdo para magmerienda.
Again, nilibre nya ko =))
Bumalik na kami ng school nung maguuwian na.
Since kukunin pa namin ung mga gamit namin.
"Jiana, san kayo nagpunta?" pag-uusisa ni Leo.
"Somewhere down the road este sa mall lang." sagot ko
"Anong ginawa nyo dun?" pagtatanong ni Alexis with a teasing tone.
Sira talaga to
"Bat ba kayo tanong ng tanong?" tanong ko naman sa kanila.
"Masama?" sabi ni Pau.
"Hindi." sagot ko naman sabay labas na ng room.
Sumakay na ako sa sasakyan at umuwi na ako.