"Summer, magready ka na. Paalis na tayo." si mommy. Haish, ayoko naman talagang umalis eh. Etoh lang talaga si mommy ang makulit. (-_-)
"Okay."
Oh sorry, di pa pala ako nagpapakilala. I'm Summer. 16 years old na ko. Obviously, summer ngayon at we're off to vacation in Boracay. Yeah right! Vacation. Sigurado namang mabobore lang ako dun. Eh kung hindi kami aalis eh di sana gagala na lang ako kasama ang barkada ko, mas enjoy pa.
--
Nakasakay na kami sa Boracay. Masyado bang mabilis? Eh alanganamang ikwento ko pa sa inyo kung paano kami nakarating ng airport at kung ano ang ginagawa namin sa eroplano. -_-" Masyadong effort 'yon tsaka boring pa.
Andito ako ngayon, naglalakad lakad. Oo, tama kayo ng iniisip. Mag-isa lang ako. Sabi kasi nila mommy napagod daw sila sa byahe kaya ayon, magpapahinga daw muna sila. See? Sabi ko sa inyo magiging boring ang vacation na ito. Bat ba kasi hindi na lang nila ako ginawan ng kapatid, diba? Para naman may kasama ako ngayon.
Sa palakad lakad ko.. napadpad ako sa isang fast food chain. Since kanina pa ako palakad lakad.. Pumasok na ako sa loob. Umorder lang ako ng drinks since kanina pa ako nauuhaw tsaka busog pa naman ako. Naghanap ako ng vacant table. Grabe! Wala akong mahanap. Ang dami kasing kumakain ngayon. Kanina pa umiikot 'yong mata ko at may nakita akong lalaki, mag-isa lang naman syang kumakain kaya baka naman pwede akong makishare diba?
"Uhm, excuse me. Pwede pong makishare ng table?" Nako. Sana naman gentleman itong lalaking toh at payagan akong makishare ng table sa kanya.
"Yeah, sure." sabi nya tapos nagsmile sya. Shet! Ngayon ko lang napagtanto na pogi pala itong nilalang na toh. After nya akong payagang makishare ng table sa kanya naupo na ako. Ang tahimik nga namin eh. Hanggang sa sya na mismo ang bumasag ng katahimikan.
"Uhm, kadadating nyo lang ba dito?" pagtatanong nya.
"Oo eh, kani kanina lang.. kayo ba?" sagot ko naman.
"Yep. Halos magkasabay lang pala tayo." sabi nya. Grabe! Ang bait nya. Diba, 'yong mga pogi ngayon kadalasan ang sasama ng ugali?
"Oo nga eh." sagot ko.
"So, ikaw lang mag-isa?" tanong nya. Ang daldal naman neto. Pero cool. At least hindi nagiging boring ang ambiance.
"Oo eh, sila mommy kasi nasa hotel pa nagpapahinga."
"Parehas pala tayo eh. 'Yong parents ko din nasa hotel lang." aba! Mukhang magkakasundo kami ah? Buti na lang at may karamay ako.
"Ayos ah? Parehas tayo. So I assume na wala ka ring kapatid?" pagtatanong ko.
"Sadly yes."
"Parehas tayoo! Ang dami pala nating similarities eh." sabi ko.
"Oo nga." sabi nya.
After that wala na sa aming nagsalita. Inubos ko na 'yong drinks ko. Aalis na sana ako ng bigla syang nagsalita.
"Gusto mong maglakad lakad muna?" tanong nya sa akin. Aba! Gusto ko 'yan. Para naman hindi ako magmukhang loner.
"Sure."
Naglakad lakad lang kami. Inaamin ko, nageenjoy akong kasama sya. Hindi ka talaga mabobore. Tsaka ang saya nyang kasama. Tapos ang taas pa ng sense of humor nya.
Magagabi na rin nung matapos kaming maglakad.
"Gusto mo ihatid na kita sa hotel nyo?" pag-ooffer nya.
"Sige :))" syempre pumayag ako. Gabi na din kaya.
Naglakad na kami.. pabalik sa hotel. Nalaman ko nga din na dun din pala sila tumutuloy at nalaman ko na rin 'yong pangalan nya. Oo, hindi pa namin natatanong ang pangalan ng isa't-isa. XD Siya si Jacob.
--
Lumipas ang araw.. lagi lang kaming magkasama ni Jacob. Ang masasabi ko lang ay nageenjoy talaga akong kasama sya at aaminin ko, I'm inlike with him. HAHAHAHA. Meron ba nun? Basta inlike ako sa kanya.. Hindi inlove ha. Uber, kakakilala pa lang kaya namin.pero alam ko.. Hindi malabong dumating ang araw na maiinlove ako sa kanya..
Pauwi na pala kami ngayon. Pupuntahan ko si Jacob sa room nila to say goodbye..
Kakatok na sana ako kaso bigla namang bumukas 'yong pinto at saktong si Jacob 'yong lumabas.
"Oh, what brings you here? Pupuntahan na dapat kita eh." sabi nya sa akin sabay kamot nya sa ulo nya.
"Ah-eh kasi gusto ko lang magpaalam. Aalis na kasi kami ngayon." sabi ko sa kanya.
"Ohh.. dapat magpapaalam na rin ako sa'yo eh." eh? sabay lang pala kami? HAHAHA.
"WOW, Sabay pa pala tayo aalis." sabi ko.
"Oo nga eh."
"Oh sige. Bbye na. 'Yon lang naman ng ipinunta ko dito eh."
"Teka, may sasabihin kasi ako sa'yo eh." ha? Ano naman kaya 'yon?
"Ano 'yon?"
"Kasi I'm inlike with you." sabi nya. WOW, Parehas pa pala kami..
"I'm inlike with you too!" sabi ko sa kanya.
"So bbye na, text text na lang tayo."
"Oo naman :)) Bye." naghug na lang kami.
Pagkatapos nun bumalik na ako sa hotel room namin at pumunta na din kami sa airport. Alam ko.. magkikita pa uli kami ni Jacob. :))
Masaya rin naman pala ang kalalabasan ng inakala kong boring na vacation :))
--END--