The MORE You HATE The MORE You LOVE
Sino namang matinong tao ang maniniwala dito, hindi ba?
Isa lang itong walang kwentang kasabihan..
Kadalasang sinasabe ng mga walang'ya nating kaibigan once na nalaman nilang meron tayong taong sukdulan/labis labis/ sobra sobra nating kinaiinisan..
Kadalasan nga inis na inis pa tayo sa kanila pag sinasabe nila to. HATE MO NGA EH! PANO NAMANG NAGING LOVE? DIBA? DIBA? DIBA?
Kaya ako? Hindi naman talaga ako naniniwala dyan eh.. Kasi para sa akin isa lamang yang NAPAKALING KALOKOHAN..
NUNG UNA.....
__________________________
Ako si Princess Estefan. Maganda nga daw ako.. Mabait.. Caring.. Friendly.. Maraming nagmamahal sa akin.. Third year highschool na ko.. Masaya namang mag-aral sa school ko..
kaso..
Meron akong taong sobrang kinaiinisan!! Si Gelo! OO! Sobrang ayaw ko sa kanya.. Bwiset kasi sya sa buhay ko.. Lagi na lang nya akong inaasar.. Ako pa naman ung tipo ng taong mabilis mapikon.. At ang masaklap pa doon.. KABARKADA KO SYA. Err.
Papasok na nga pala ako ng school kaso eto namang Gelo na to.. Hinihintay nanaman ako.. As usual ang daily routine nya ay ang inisin ako.. Sura lang no?
"Oy pangit!" see? sino bang tao ang hindi maiirita sa kanya?
"Pwede ba?! Lubayan mo ko?" iritang sabi ko sa kanya..
"EH!!! Sabay na tayong pumasok ng room :>" di ko na lang sya pinansin.. nagmadali na akong pumunta ng classroom.
Papasok na sana ako ng classroom ng bigla nanaman nya akong asarin..
"Princess! Parang tumataba ka.. Bu---" Pinutol ko na ung sasabihin nya dahil inis na inis na ako.. feeling ko nga anytime sasabog ako sa inis eh..
"Pwede baaa?! Tigilan mo na kooo!" Maluha luha kong sabi.. sya naman parang nakonsensya at makikita mo talagang worried sya.. dumiretso na lang ako sa upuan ko..
"OH? Nakabusangot ka dyan?" Sabi ni Jessy
"Eh kasi naman inaasar nanaman ako ni Gelo eh.."
"Di ka pa ba nasanay? Eh parang halos araw araw naman kayong ganyan eh.. "
"Basta! I hate him!!"
"Alam mo ba ung kasabihang.. The more you hate the more you love?"
"sus! di naman ako naniniwala dyan eh.. isang malaking kalokohan yan!!"
"Totoo kaya un.."
"Hindiii! Panu mo mamahalin iyon ehh.. hate mo nga ehh.. psh" depensa ko. totoo naman diba?
"Bahala ka..." sabi nya..
*Kinabukasan*
Papunta na ako sa school.. Expected ko nga na aabangan ule ako ni Gelo dun eh..
Kaso..
To my surprise...
wala sya ='((
Eh bat ba ako nalulungkot? Eh diba ito naman ang gusto ko? =(
Pumasok na ako ng room.. Pero wala din sya.. Palagi pa namang maaga un.. Bat kaya wala sya? Baka late lang? Hayy.. Umupo na lang ako ng nakasimagot.. di ko nga maintindihan ung sarili ko ehh.. Posible kayang inlove ako sa sira ulong yon? Nahhh.. impossible!
"HOY! Bat nakabusangot ka dyan?" tanong saken ni Rolens. Gara ng name no? HAHA.
"Wala..." Sabi ko sa kanya..
"Wushooo! Miss mo si Gelo no?" How did he know? Lol. Hey ano ba yang pinag-iisip mo? Di mo sya miss..
"Sus! Di no! Bat ba wala yon?"
"Ewan ko nga ehh.." gandang kaibigan nitong si Rolens eh. HAHA. Lang kwentang pagtanugan XD
Hanggang sa nagbell na at nag-uwian.. Hindi pa din sya pumapasok..
Darn!
Bat ko ba namimiss ung loko na iyon?
Baka antok lang itey.. Makatulog na nga..
ZZZzzzZZzZzzZzZzZzZz
*Kinabukasan*
Hay.. Wala pa din si Gelo.. Feeling ko tuloy may kulang.. Or kulang talaga? Siguro nga.. nasanay na ako na lagi syang nandyan para asarin ako.. Sana nga pumasok na sya ehh.. =((
"HOY!!" si.. si... si.... GELO!!!!!!!
To my surprise.. Yinakap ko sya.. Peste.. Bat ganun? Di ko na nacontrol ang mga galaw ko.. Siguro nga.. namiss ko sya..
To my surprise ule.. He hug me back..
DugDug.DugDug.
Pesteng puso.. OO NA! INAAMIN KO NA.. MAHAL KO NA SYA.. Which is.. I think.. is not good. I don't even know if he feels the same like mine..
"HOY!! TAMA NA YANG YAKAPAN NYO!! GRABENG PDA YAN HA. HAHAHA" Sabe ng bestfriend nyang si Rolens.. Epal talaga nito! Panira ng moment.. Tss..
"Manahimik ka nga! Wrong timming ka naman ehh.." Sabe ni Gelo na ikinagulat ko..
"HAHA! DUMADAMOVES KA NA HA! =))" Loko talaga tong Rolens na to..
"LUMAYAS KA NGA DITO!!! =))"
"Uhmm.. Princess.. sorry pala kung palagi kitang inaasar ha.. siguro sumobra na ung pangaasar ko sayo to the point na nagalit ka na sa akin.. Sabe nga ni Jessy hate mo daw ako.. Kaya sorry na talaga.." magsasalita na sana ako.. kaso may sinabe syang ikinagulat ko..
"Kaya lang naman kasi kita inaasar para magpapansin sayo ehh.. Mahal na kaya kita simula nung First year pa lang tayo.. Tsaka naniniwala kasi ako sa kasabihang the more you hate.. the more you love.. kaya medyo natuwa ako nung sinabe ni Jessy na hate mo ko.. Which I know is odd.." sinabe nya na medyo nahihiya pa.. SUCH A CUTIE =') Landi mo Princess =)) Say something Princess.. C'mon..
"To be honest with you.. Nung una.. di naman talaga ako naniniwala sa kasabihang the more you hate the more you love eh.. Pero ngayon.. naniniwala na ako.. Kasi.. ngayon ko lang narealize na mahal na pala kita.. Bat ka ba umabsent ha?! Di mo ba alam na namiss kita? Wala kasing ng aasa--" pinutol nya ung sinasabe ko..
"First of.. kaya ako umabsent kasi.. nagkasakit ako.. okay? Don't worry.. namiss din naman kita ehhhh.." WAAAAAAAH! Kinilig naman daw ako.. "Tsaka.. may kasalanan ka sa akin!" sabe naman nya..
"Ano naman yon? Ayon sa pagkakaalam ko.. ikaw ung may kasalanan sa akin XD" sabe ko naman sa kanya..
"Eh.. kasi.. nagalit ka sa akin nung isang araw.. di mo man lang ako pinapatapos sa sasabihin ko =(" awwe. ano naman kaya un?
"Hu? Ano ba un?" pagtataka kong tanong sa kanya..
"Ung sa tumataba ka.." ah! I remember na!
"Eh kasi alam ko namang nangaasar ka lang ehh"
"sasabihin ko sana nun.. tumataba ka.. bumibilog at unti unting nagiging mundo ko =')" aww. cute! nagblush pa sya XDD
"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" MyGod! Oo nga pala andito pala kami sa room!!! Kakahiya.. narinig pa nung mga classmate namin.. -_____________-
"Uyyy! Tama na nga yan.. namumula na ung girlfriend ko ohh.." sabe naman ni Gelo..
"Girlfriend ka dyan?!" sabe ko sa kanya. haha.. napakamot pa sya sa batok nya XD
"Hindi pa ba?! Ehh.. mahal mo din naman ako ah?" pagrereklamo nya XD
"Manligaw ka muna no!!!!!" sabay dila ko sa kanya..
--END--