Dati pag nakakasalubong o nakikita kita.. wala lang..
Dati kahit hindi kita nakikita.. ayos lang..
Dati pag nagkakausap tayo.. wala lang..
Dati kahit hindi tayo nagkakausap.. ayos lang..
Dati pag nagkakapartner tayo.. wala lang..
Dati kahit hindi tayo maging magpartner.. ayos lang..
Dati pag nagpapansinan tayo.. wala lang..
Dati kahit hindi tayo nagpapansinan.. ayos lang..
Pero ngayon?
Lahat ng wala lang at ayos lang na yan..
Naglaho na..
Siguro nga..
Tinamaan ako..
Sayooo..
_______________________________________
"Bespreeeeeeeeeeeen!!" nagulantang naman ang mundo ko ng tawagin ako bigla ni Mimi.
"Makasigaw ka naman dyan.. Parang wala ng bukas.. -____-" sabi ko sa kanya. Totoo naman eh. nagtinginan pa nga lahat ng tao dito sa cafeteria.
Ako nga pala si Paula dela Cruz. Obviously, nandito kami sa school with my bestfriend, Mimi.
"Eh kasi naman.. kinikilig akoooo" My gawd, bat nanaman kaya?
"Bakit?" pagtatanong ko.
"Eh kasi si Paulo... Pinuntahan si Mia na may dalang roses and teddy bears.." awch! si Paulo nga pala.. crush ko.. Bat ganun? Ang sakit.. Di ako nakaimik. Parang may namumuong luha sa mata ko.. Ang sakit lang, shet!
"Hui. Ayos ka lang? Bat di ka na naimik dyan?" pagtatanong nya.
"Ah oo. Ang sweet naman nya. Sana ako na lang si Mia" sagot ko sa kanya. Pero syempre hininaan ko lang iyong huli kong sinabi. Kahit naman magbestfriend kami. Never akong nagsasabi ng feelings ko sa ibang tao.
"Ano iyong huli mong sinabi? Di ko narinig eh." tanong nya na may halong kuryosidad.
"Ha? Wala naman akong sinabi ha?" pagdedeny ko.
"Meron eh! Sabihin mo na. Para namang hindi tayo magbestfriend." sabi nya na may halong pagtatampo. Hindi ko naman toh matitiis eh. Pero hindi pa ito ang right time para malaman nya.
"Kulit mo naman Mimi eh. Wala nga. As in W-A-L-A. Okay?" sabi ko sa kanya.
"WEH. Alam ko may sinabi ka........ Osya, tara na sa room." kahit kailan talaga ang kulit nito. HAHAHA.
So nagpunta na kami sa room. Sakto nga lang iyong dating namin kasi saktong pagdating namin.. pumasok na din iyong teacher namin.
"Class, may presentation kayo.. by partner ha?" sabi ng teacher namin. "Boy Girl Boy Girl" dugtong pa nya. "Ako ang pipili ng partner nyo, okay?" dagdag pa nya. Nako sana naman matino ang maging partner koo.. O kaya kahit si Paulo na lang.. Sige, mangarap ka Paula..Nagbanggit na nagbanggit ng names iyong teacher namin.. Hanggang sa..
"Paula and Paulo" Oh my gosh! Am I daydreaming?! Pa-partner ko talaga sya? Oh myy.. Lord.. Pwede nyo na kong kunin. Ay hwag pa pala.. XD Ma'am.. how can I thank you? *u*
Tapos na pala magpairing si ma'am.. hindi na ako nakinig.. -__________- Di ko tuloy alam kung sino ang partner ni Mimi.
"Kakanta kayo ha? Ang presentation nyan ay sa next week okay? So meron pa kayong one week para magpractice. If you don't have any question, Goodbye class." lumabas na iyong teacher namin. Ibig sabihin, makakasama ko sya ng one week? WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Ako na kinikilig :">
"Uhm, Paula.. San tayo magpapractice?" oh my gosh! kinakausap ba ako ni Paulo? Sira ka ba Paula? Dati ka pa naman nyan kinakausap eh.
"Ikaw na bahala magdecide. Basta sabihin mo na lang sa akin kung saan.."
"Sigurado ka?" Pagtatanong nya.
"Yep." sabi ko ng pacool lang..
"Oh sige. Sa park na lang tayo.." sabi nya.
"Oh sige."
"Sabay na tayo pumunta dun." sabi nya sabay punta nya sa upuan nya. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!! Sabay kami. Maghoholding hands ba kami habang naglalakad? Paula. Hwag kang assuming....
Pumasok na iyong teacher namin. Nagturo lang sya ng nagturo.. Nakinig ako syempre, anong akala nyo? Hindi no? Pwes, nagkakamali kayo.. Inspired ako ngayon kaya nakinig ako.. I got a perfect score nga eh. Oha? :P
*KINABUKASAN*
Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso na "kami" sa park. Pagkadating namin, Naupo lang kami sa swing..
"Ano kakantahin natin?" pagbabasag ko sa katahimikan.. Swear, simula ng dumating kami dito ang tahimik na namin.
"Ngiti na lang.." sabi nya. Bagay pa sa akin. Ewan ko lang sa kanya..
"Oh sige. Eh paano iyon, wala akong copy ng lyrics?" sabi ko sa kanya.
"Hwag kang magalala prepared ako." natawa naman ako dun.
"Ang ganda mo pala pagtumatawa.." sabi nya ng seryosong nakatingin sa mga mata ko..
"Hui. Natulala ka na dyan.." pag-aalog nya sa akin. Totoo ba toh? Sinabi nyang maganda ako? WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! Shi--
"Tinamaan ako.." sabi ko..
"Tinamaan ka sa akin?" pagtatanong nya.
"Hindi.. tinamaan ako ng bola..." Oo, tinamaan ako ng bola. "Ang sakiiiit!!! >__________<" Pagdudugtong ko.. anong akala nyo.. umamin ako? HAHAHA. No way.
"Nakuu, sorry miss." biglang may nagsalita sa likod ko.. napalingon naman ako.. ang pogi shet!
"Miss?" nagsnap ako into reality ng magsalita ulit sya.
"Uhm, ayos lang iyon." sabi ko sa kanya.
"Sigurado ka?"sabi nya habang papalapit sa akin.
"Oo, ayos lang sya pare. Mauna na kami." sabi ni Paulo sabay hila nya sa akin.
"Uhm, san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. kasi srsly, kanina pa kami naglalakad.
"kung san walang epal." anu daw? Di ko narinig.
"Anung sabe mo?"
"Wala, sabi ko bukas na lang tayo magpractice." hayy, sayang naman.. bat pa kasi ako tinamaan ng bola eh -_________-"
"Okay."
Lumipas ang mga araw.. practice lang kami ng practice.. Tapos ngayon na namin ipepresent iyong song namin. :))
"Class, ready na ba kayo?" pagtatanong ng teacher namin. Sa totoo lang.. kinakabahan ako.. Mygawd..
"Yes!" sabay sabay nilang sabi.
"So let's start!" sabi ni ma'am. "Sino gustong magsimula?" pagdudugtong nya. Nakooo, sana naman last kami. -_____________-
"Kami po!" sila Mia. Kasama ng partner nya.
Si kumanta na sila.. Ang galing nila.
Sumundo naman sa kanila si Mimi with her partner. HAHAHA. Galing din nila.
Hanggang sa lahat sila kumanta na at kami na lang ni Paulo ang natitira.
"So I guess, Paula and Paulo, ready na ba kayo?" pagtatanong ni ma'am. Syempre tumango na lang kami.
Pumunta na kami sa harapan. Nakita ko naman na napatingin si Paulo kay Mia at tumango lang ito. Hayy, ang sakit naman.
Pumunta na din sya sa sarap tapos nagsimula na kaming kumanta.
Ngiti By: Ronnie Liang
[Paulo]
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
[Ako]
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
[Sabay]
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik
[Chorus] [Sabay]
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib
[Chorus] [Sabay]
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin
[Paulo]
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
[Ako]
(Sa iyong ngiti)
[Paulo]
Sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo...
[Ako]
(Para lang sa'yo ang awit ng aking puso)
[Sabay]
Sana ay mapansin mo rin...
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti...
Sa buong kanta.. Nakatingin lang kami sa isa't-isa
After naman nun, nagpalakpakan iyong mga classmates namin pati nga iyong teacher namin eh. HAHAHA. Mga loko talaga. :))
Pabalik na sana ako sa upuan ko ng bigla akong pigilan ni Paulo. Bat naman kaya?
"May sasabihin lang ako.." sabi nya sa kanilang lahat.
"Ano naman iyon?"sabay sabay naming sabi. Srsly, para naming pinagpraktisan. HAHAHA :))
"Tinamaan ako.." EHHHH?
"NG?!" Sabay sabay nilang tanong..
"Hindi ng.. nino.." Oh my gosh! Sana ako na lang iyon. Pagkasabi nya nun, nagsimula ng magsipagkiligan ang mga kaklase ko..
"Osya, nino?" tanong ni Mimi.
"Nya" sabay turo sa akin. O_________O reaksyon ko nung hindi pa nagsisink in iyong sinasabi nya.. tapos O/////O Tak--
"Hoy, ano? Natulala ka nanaman dyan?"
"Tinamaan ako.."
"Tinamaan ka din sa akin?" tanong nya.
"Hindi. Tinamaan ako ng crumpled paper." sabi ko. Oo, tinamaan ako.. Lagi na lang akong tinatamaan.. Pansin nyo din ba? -_______________- Tsaka palagi din nyang hindi nakikita. -___________-
Nagtawanan naman lahat ng kaklase ko.. Natamaan na nga ako tumawa pa. -____________-
"Haish." reaksyon nya.
"Naku, sorry Paula. Eto kasi eh." sabi ni Johnny sabay turo kay Mimi.
"Ayos lang.." sabi ko.
"Uii. Ano na?" aamin na ba ko? Iii :"> Landi, Paula. Sige na nga, aamin na kooo :">
"Tinamaan ako.." sabi ko.. Bigla namang lumungkot iyong mukha nya.
"Ng ano nanaman?!" Tanong nya ng may halong inis. Sus! Di pa naman kasi tapos eh XD
"Sayoooo" sabi ko. WAAAAAAAH! Bigla namang nagsmile ang loko.
"Pwede na ba kitang ligawan?" pagtatanong nya. Tumango naman ako.
"Jusko kayong mga bata kayo.. Ang daming langgam!" sabi ni ma'am. Nagtawanan naman iyong mga kaklase ko dahil sa sinabi ni ma'am.
Nabigla man ako sa mga revelations ngayong araw.. marami man akong katanungan na kailangan ng kasagutan.. kagaya ng.. Paano na si Mia? Kailan pa sya tinamaan sa akin? Pero ngayon, wala na akong pakialam. Basta ang alam ko lang.. Masaya ako.
--END--