Hi, my name is Pola. Weird name right? Bat hindi na lang ginawang Paula, di hamak naman na mas kaaya-aya 'yong pakinggan. Oh well, so much for that. Andito ako sa school namin. Fourth year highschool na ako. NBSB. Bakit? Ewan ko. Wala pa kasi akong nagugustuhan. Ay meron pala kaso mukhang iba ang gusto eh. :( Drama. Di bali. XD
"POLAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!" Si Japmine. Yeah, Japmine talaga. Di ako nagkakamali.
"Oh, bat nanaman? Makasigaw ka dyan akala mo ikaw may ari ng hallway eh." sabi ko ng pabiro.
"Eh kasi may pumuntang estudyante sa room natin tapos hinahanap ka." err?
"Sino naman?" tanong ko.
"Di nagpakilala eh, basta sabi ibigay ko daw ito sayo." then she handed me a letter. A letter? Uso pa pala ito ngayon? Weird, but I like it. :)) Binuksan ko na iyong letter, at ito ang nakasulat....
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
Dear Pola,
Maniwala ka man o hindi.. Simula nung una kitang nakita.. napansin na kaagad kita. Hindi ko nga alam kung nung napansin ba kita eh napansin mo din ako.. Hindi ko alam kung anung meron ka at nagkaganito ako sayo. Simula nung nakita kita, pinagtanong ko ang pangalan mo. Masyado bang stalker? Secret admirer naman. Para maganda pakinggan 8)
Gusto kong malaman mo na..
POLA-gi kitang iniisip.. ni hindi ko nga alam kung kahit ba minsan sumagi din ako.. Pero sana.. OO..
POLA-gi ko ding iniisip kung kumain ka na ba.. kung ano na ginagawa mo.. So gayish.
POLA-gi kitang tinititigan sa malayo.. hindi naman kasi kita malapitan, siguro dahil nahihiya ako.. OO, sabihin mo ng parang pambakla pero totoo eh.
Pero hwag kang mag-alala dadating din ang panahon na malalapitan at makakausap din kita. Basta ito ang tatandaan mo.. Hindi ka nawawala sa isipan ko dahil POLA-gi kitang mamahalin. Makikilala mo din ako.. Hwag kang mag-alala.
P.S: Pagpasensyahan mo na kung hindi sya mukhang loveletter. Hindi naman kasi talaga ako marunong -___________-
--- BUDOY
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
HAHAHAHAHA! Natawa naman ako ng mabasa ko ang last part. Budoy putek! XD Pero seriously, napangiti ako. Sino ba naman ang magaakalang meron pang lalaki ang magbibigay ng loveletter, right? Sino kaya sya? Sana nga.. sana magkalakas loob na sya para kausapin ako. Who knows? Pwede ko syang magustuhan dahil sa gi--
"Hoy! Bat ba ngiti ka ng ngiti dyan?" epal talaga toh. Naputol tuloy 'yong iniisip ko -__________-
"Wala. Tara na nga sa room." Naglakad na kami ni Japmine papuntang room. Habang papunta kami nakita ko si si si -- Acey! Oo, sya 'yong gusto ko.. Nahiya naman daw ako kaya bigla ko na lang hinila si Japmine para mapabilis kaming umalis dun. Takte, bumilis ang tibok ng puso ko. Tsaka parang biglang tumigil 'yong mundo ko. Shet lungs.. :"> Feeling ko tuloy buo na ang araw ko.. ay hindi pala feeling.. BUO NA TALAGA..
"HMM. AT BAT KA NAMUMULA?" Shet, namumula na pala ako. Lakas talaga ng tama ko dun.
"Kasi mainit." pagdadahilan ko.
"Hindi naman ah? Umuulan nga eh." oo nga pala. ang fail ko talaga sa pagsisinungaling -_________-
"Wala nga lang kasi."
"AHA! Don't tell me, may gusto ka kay Acey?" how did she know? Grabe! Ang galing talaga nito maganalyze kahit kailan. Dahil wala na akong kawala, aamin na lang ako.
"Ah-eh, hwag kang maingay ha? Oo, may gusto ako sa kanya." sabi ko sa kanya. Feeling ko namumula nanaman ako eh.
"Ang galing ko talaga! May HD ka pala sa kanya ha.." EHHH? HD? Ano 'yon?
"HD?" Srsly, hindi ko alam ang meaning nun -__________________-
"Hidden Desire" Sus! Ang dami talaga netong alam.
"Osya, HD na kung HD. Basta hwag kang maingay ha?" pakiusap ko sa kanya.
"Oo naman. You can trust me." Nako, sana lang. Ang daldal pa naman neto.
Lumipas ang araw.. palagi ko pa ding inaabangan 'yong letter ni Budoy kuno. Pero wala akong natanggap uli maski isa. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako nalungkot. Siguro dahil natutuwa ako sa kanya. Dahil first time in my life, may nareceive akong love letter. Kasi diba usually sa mga teens ngayon sa text na lang? Di bali na l--
"HOY!" nagulat nama ako.. -______________-
"Bat ka ba nangugulat dyan?"
"Eh may nagpadala nanaman sayo ng sulat." pagkasabi nya nun bigla naman akong sumaya..
"Hamina dalii" sabi ko na may halong excitement sa boses ko.
"Ay, excited much?"
"Psh, dami pang sat sat eh. Amina kasi"
"Oh eto na, chill." pagkaabot na pagkaabot nya sa akin.. binuksan ko agad.
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
Dear Pola,
Kung gusto mo na akong makita. Puntahan mo ako sa rooftop
--- BUDOY
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
After kong mabasa 'yon kaagad agad akong pumunta sa rooftop. Tinatawag pa nga ako ni Japmine kaso hindi ko na nilingon.
*ROOFTOP*
Hinahanap ko sya sa rooftop, si budoy kuno.. Sa kakahanap ko sa kanya napadpad ako sa pinakadulo ng rooftop at nagulat ako kung sino ang nandoon.
"Acey?" gulat kong sambit sa pangalan nya.
"O, nandito ka na pala." Juskoo. Kung hindi ko lang toh crush.. nabara ko na toh. XD
Tumango na lang ako.
"So, you mean to tell me na ikaw 'yong nagpadala ng letter?" tanong ko sa kanya.
"Oo." sa sobrang saya ko bigla ko na lang syang nayakap.
"Ibig sabihin ba ng yakap mo.. eh gusto mo din ako?" pagtatanong nya.
"Oo naman!" sabi ko sa kanya..
"Grabe! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon!" sabi nya ng masaya.
"Pinasaya mo din naman ako." takte! nakakakilig naman. Kasi hanggang ngayon, magkayakap pa din kami. :"> Shet lungs.
"Basta lagi mong tatandaan.. ikaw lang ang POLA-ging laman ng puso't isipan ko" sabi nya sa akin. WAAAAAAAAAAAAH! Kinikilig talaga ako..
"Lagi mo ding tatandaan.. ikaw lang ang ACEY-nisigaw ng puso ko" sabi ko naman sa kanya. Anong akala nya sya lang? :P
--END--
______________________________
A/N:
Another one shot.
Bored eh :P
Pagtyagaan nyo na lang kahit pangit.
WAHAHAHAHA :))
VOTE/COMMENT <3