[Mitch's POV]
Wiii. First day of school ngayon.
Excited ako na kinakabahan..
Excited ako kasi makikita ko nanaman sya.
Kinakabahan kasi magpapakilala nanaman sa harapan.
Oo, haller? First day!
Nagbihis na ako at nag-almusal na.
Sakto nga kasi kakatapos lang ni mommy maghanda ng almusal.
Naglakad na ko papuntang school.
Walking distant lang naman :))
[ S C H O O L ]
Hinanap ko na kung saan ang section ko.
Pag nga naman sinuswerte ka..
Kaklase ko sya!
YES!
Pumunta na ako sa classroom namin.
Sinalubong nga ako ni Sharlene.
Grabe! Namiss ko tong babaitang to.
"Musta ka na?" tanong ko sa kanya.
"Ayos lang naman! Marami akong chika sayo. Kaso mamaya na lang break!" sabi nya na may halong excitement.
"Nako, palagi ka namang may chika. HAHAHA" sabi ko. Totoo, di ata to nawawalan ng chika XD
"Sus! Para namang hindi mo ko kilala." pagkasabi nya non naghanap na kami ng upuan.
Dun kami sa likod umupo since ayaw kong ako ang unang magpakilala.
Grabehan nga e.
Sino ba naman kasi ang nagpauso ng pagpapakilala sa harapan twing first day of class ng mapatay ko.
JOKE!
Di ako mamamatay tao.
HAHAHAHA :))
Kwentuhan galore lang kami ni Sharlene, ang aking ever loving na bestfriend! :D:D:D
*KRIIING*
Pumasok na 'yong teacher namin..
at ayan na nga ang pinakainiiwasan ko..
"Please introduce yourselves infront of the class." sabi ni Ms. Lolong.
Oo, lolong talaga. Parang 'yong giant buwaya lang e.
HAHAHAHA! Oyy, hwag kayong tumawa... bad 'yon! :>
"Let's start at the back." dagdag pa nya.
OH SHOOT!
Kami ang mauuna TT_TT
I mean pangalawa ako kasi si Sharlene 'yong nasa pinakadulo.
"Sharlene Roxas. 14." pagpapakilala nya.
Ako na ang next!
"Mitch Punsalan. 14."
hanggang sanapunta na kay Nathan.
Grabe! Ang pogi nya pa rin.
Wala pa rin syang pinagbago.
"Nathan Perez. 14." ang kanyang tinig ay parang musika sa aking tenga.
Uber? HAHAHA :))
"Tintin Meyer. 14." magkatabi sila -_______________-
Huhuhuhuhuhu. Hanshaket!
"Alex Fortalejo. 14. New student." huwow!
New student! Pogi si Kuya ha.
Mas pogi ng konti kay Nathan.
pero konti lang talaga!
HAHAHAHAHAHAHAHAHA =))
Solid Nathan to no! :P
"Pogi nung new student." bulong sa akin ni Sharlene.
See? Maganda yata ang taste ko. HAHAHAHA.
Ngayon lang ako napahanga ni Sharlene.
BWAHAHAHAHA :)) Last time kasi..
Nevermind XD
Di ko na lang sya pinansin. :>
Natapos na rin ang pagpapakilala..
Nagsulat na kami ng requirements
at nagdiscuss nanaman ng mga rules and regulations sa room at sa entire school.
[ B R E A K ]
Nagpunta na kami ng canteen.
Naghanap na ako ng upuan kasi sabi nya sya na lang daw ang oorder ng pagkain..
Kaso sa kasamaang palad hindi kanais nais ang nakita ko.
Si Nathan kausap nya si Tintin..
Bat ko nga ba nakalimutan na may iba syang mahal?
Ano nga ba naman ang sinabi ko sa taong mahal nya?
'Yong mahal nya matalino, maganda, kilala ng lahat, mabait, kaibigan ng lahat.
Eh ako? Sapat lang..
Konti nga lang ang nakakakilala sa akin.
Pero hindi naman 'yon 'yong point ko e.
Ang point ko..
Never nya akong magugustuhan.
Akala ko ba naman first day of school ngayon..
'Yon pala, first day of sadness. </3
Sana naman mapan--
"HOY! Ang lalim ng iniisip mo ha?"
epal talaga tong si Sharlene. -_-
"Wala, ang tagal mo kasi e." pagdadahilan ko.
Ayokong sabihin sa kanya kasi sasabihin nanaman nyang ang drama ko.
"Wuu meron e" kulit talaga neto. Sasabihin ko na nga
"E kasi nakita ko si nathan kasama si tintin" sabi ko ng nalulungkot. Drama ko ba?
"Hanggang ngayon sya pa rin?" tamo to, kung hindi ko lang to bespren malamang nabatukan ko na to. Sasabihin ko ba kung hindi?
"Malamang sasabihin ko bang sya kung hindi sya?" sabi ko
"Che, kumain na nga lang tayo" sabi nya
"Ay ano nga pala ung chika mo?" bigla ko na lang naalala
"May nakita kasi akong pogi nung bakasyon!" sabi nya na medyo kinikilig pa.
Nako, mahirap tong paniwalaan kahit na napahanga nya ako kanina.
Sasabihin ko na nga kasi Last time kasi may tinuro sya sa aking pogi daw, mas pogi pa nga si bentong e.
Hindi naman sa nanlalait ako ha.
Nagsasabi lang ng totoo.
"Nako pogi ba talaga yan?" pagtatanong ko na may halong pangaasar
"Wala ka bang tiwala sa taste ko?" nakooo , tinanong pa.
"Wala" deretsahan kong sabi. Bwahahaha =))
"Ang sama mo namang kaibigan" sabi nya na kunwari e nagdadrama pa
"Nako hwag mo kong artihan a" sabi ko ng pabiro
"Che"
word of the day nya ata yan e, pansin nyo? Che ng che?
"Kumain na nga lang tayo" sabi ko.
Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa classroom tutal malapit na rin namang magtime.
Nagbotohan lang kami ng class officers at sa kasamaang palad.
Si Tintin ang muse at si Nathan ang escort.
Ang saklap lang no?
Sa isip isip ko nga e, sana balang araw matalbugan ko ang ganda ni Tintin.
Pero alam kong malabo at imposible 'yon.
Uwian na namin nagaaya pa nga si Sharlene na gumala pero sabi ko pass muna ko dahil wala ako sa mood.
Pumayag naman sya at sinabing mag-ingat na lang daw ako pauwi.
Pagkauwi ko dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga.
Kakaibang first day.
Akala ko magiging masaya, excited pa man din ako.
Oo nga masaya pero nung nakita ko silang magkasama nung sa room at nung break time nalungkot na ako ng bongga.
First day of school, first day of sadness.
Di man lang kami nagkausap.
Malas ko ngayong araw.
Sunod sunod na lungkot ang dinanas ko.
Hwag naman sanang entire ng school year, hopefully. T_T