Akala ko dati hindi ako pwedeng maging masaya.
Akala ko dati wala ng taong makakapalit sa kanya.
Akala ko dati forever na akong makukulong sa multo ng kahapon.
Akala ko dati sya na lang ang habang buhay kong mamahalin.
Akala ko walang dadating na taong mas mamahalin ko.
Akala ko hindi ko na kayang magmahal pa.
Pero mali ako.
Kasi simula ng dumating sya sa buhay ko..
Nagbago na ang lahat
Kahit na Ilang beses ko syang ipinagtabuyan palayo.
Kahit na ipinaparamdam ko sa kanyang wala syang pag-asa.
Kahit na ilang beses kong ipinapamukha sa kanya na sya pa rin.
Hindi sya umalis sa tabi ko.
Hindi nya ako sinukuan.
Patuloy nya pa rin akong sinusuyo..
Patuloy nya pa ring ipinaparamdam sa akin na meron akong halaga.
Patuloy nya pa ring ipinaparamdam na hindi pa katapusan ng mundo.
Ng dahil doon sa ipinapakita nya..
Alam kong SIYA NA.
__________________________________________________________
"Cindy! Sabay tayong pumasok." Si Steven.
Haish.
Ayan nanaman po siya.
"Pwede ba? Tigilan mo nga ako." sabi ko na may halong inis.
Nakakainis kasi eh.
Ang kulit kulit nya. >_______<
"Ayoko nga. Diba manliligaw mo ko?" tanong nya.
For pete's sake!
"Pumayag ba ko?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Nagtanong ba ko?" tanong naman nya pabalik.
Jusko po!
"Hindi." sabi ko sabay walk out.
Mangungulit lang kasi 'yon eh.
Dumiretso na ako sa room.
Kapag sinuswerte ka nga naman..
Naabutan ko pang nagkukulitan si Dylan at si Bea.
Naaalala nyo ba dati?
Pagkatapos naming magbreak ni Dylan may tinour syang babae?
Si Bea 'yon eh.
Siya 'yong ipinalit nya sa akin.
Aaminin ko. Siya pa rin.
Nasasaktan pa rin ako pag nakikita ko silang magkasama.
Nasasaktan ako pag nagkukulitan sila..
Alam nyo kung bakit?
Kasi sa twing nakikita ko sila..
Parag patuloy nyang isinasampal sa akin na wala na lang ako sa kanya.
Na patuloy nyang ipinapamukha sa akin na hindi na ako ang mahal nya.
Dumiretso na lang ako sa upuan ko at dumungaw sa labas ng bintana.
Kailan kaya ako magiging masaya?
Kailan kaya ako makakamove on?
Kailan kaya ak--
"Bat mo naman ako iniwan?" sabi ni Steven.
Kaklase ko nga pala tong makulit na to XD
"Bat naman kita hihintayin?" sabi ko ng pataray.
"Kasi liniligawan kita." sabi nya sa akin.
"Hindi naman ako pumayag eh." sabi ko.
"Hindi naman ako nagpaalam eh." sagot naman nya.
"Ngayon pa lang wala ka ng pag-asa" pagkasabi ko nun..
Bigla naman syang natahimik.
Napatingin nga ako sa kanya.
Nakita kong nalungkot 'yong expression ng mukha nya.
Parang merong kung ano ang sa akin na gustong bawiin 'yong sinabi ko sa kanya.
Siguro dahil nakokonsensya ako..
Nung nalaman nyang nakatingin ako sa kanya..
Bigla naman syang ngumiti.
Ibang klase din toh eh.
"Siguro nga.. Ngayon wala pa. Pero hindi ako susuko." sabi nya.
Napangiti naman ako sa loob loob ko.
Ayokong ipakita sa kanya.
Dumating na 'yong teacher namin.
Nakikinig naman ako kaso nakakadistract 'yong nasa side ko.
Tawanan kasi ng tawanan ng palihim eh.
NakakaBV.
Dati kami 'yon eh!
Haish! Cindy! Stop the drama.
Absent nga pala si Jane ngayon.
Aalis daw sila ng parents nila.
Napatingin naman ako kay Steven na taimtim na nakikinig sa pasyon ng aming guro.
Ewan ko.. pero napangiti ako.
Siguro dahil naalala ko 'yong kakulitan nya...
Di naman nagtagal eh break na namin.
Solo flight ako since absent si Jane.
Don't get me wrong ha..
Hindi naman sa sya lang ang kaibigan ko..
Siya lang kasi ang gusto kong kasama..
"CINDYYYYYYYYYYYY!" Nagulat namana ko ng biglang may sumigaw ng pangalan ko.
Sino pa ba?
Kahit nakatalikod ako kilala ko kung sino 'yon.
Si Steven.
Ewan ko nga kung paano ko sya nakilala.
Ako 'yong tipo ng taong hindi basta basta nakakakabisado ng boses.
Siguro dahil sa palagi nya akong kinukulit.....?
Siguro dahil nasanay na ako....?
Nagtuloy tuloy naman ako sa paglakad.
Hindi ko na sya nilingon.
"Cindy naman.. hintayin mo ko" sabi nya habang humahabol sa akin.
Alam ko namang makakahabol sya eh.
At tama nga ako.
"Sabay na tayong kumain. Treat ko." sabi nya habangnakangiti.
Paano ko ba naman matatangihan ang ganyang klase ng ngiti?
Tsaka siguro it's about time para mapagbigyan ko naman sya.
Lagi ko na lang kasing nirereject ang offer nya eh.
"Sige." sagot ko.
Nakita ko naman na lumawak ang ngiti nya...
Humanap na ako ng table namin kasi nagoffer sya na sya na lang daw ang bibili.
Naupo na ako.
Di nagtagal eh dumating na sya...
Kumain lang kami ng kumain habang nagkukwento sya.
Napatingin ako sa paligid ko..
Kaso wrong move pala....
Kasi sa kabilang table nandun si Dylan at Bea.
Nagsusubuan pa.
Di ko alam pero naluluha ako.
Napansin ni Steven na may tinitignan ako kaya naman tinignan nya.
Napansin rin nyang naluluha ako kaya naman hinawakan nya ang kamay ko.
"Makakalimutan mo rin sya." sabi nya sa akin then he gave me a wry smile.
Nginitian ko rin naman sya.
Fast forward ko na ha?
Wala naman kasing masyadong nangyari.
Dismissal time na.
Uuwi na sana ako kaso bigla naman akong niyaya ni Steven na magmall.
Pumayag naman ako para naman kahit papaano makalimutan ko ang problema ko.
Naglaro lang kami sa time zone.
Somehow, nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nag-enjoy.
Masaya syang kasama ay hindi pala masaya.. Sobrang saya lang.
Ngayon lang uli ako naging ganon kasaya.
Lumipas ang araw palagi lang kaming magkasama ni Steven.
Inaasar nga ako ni Jane kasi daw may bago na daw ako.
To be honest with you guys..
Hindi na ako nasasaktan pag nakikita ko silang magkasama.
Siguro nga..
Nakamove on na ako..
Nagpapasalamat ako kay Steven.
Dahil kung hindi dahil sa kanya..
Patuloy pa rin akong masasaktan..
Sa mga lumipas na araw na 'yon may narealize ako.
Mahal ko na sya.
At masaya ako dahil dun.
Sobrang saya..
Bat ba kasi hindi ko sya kaagad nakilala?
Eh di sana noon pa ako naging ganito kasaya.
Andito pala kami sa room ni Steven.
Oo, kami. Eh kasi absent nanaman si Jane eh.
Nagkukwentuhan lang kami ng biglang
"Wala pa rin ba akong pag-asa?" out of the blue, bigla nyang naitanong 'yan.
Ngayon, handa na ako.
Siguro naman tama na 'yong mahigit na tatlong buwang pagdurusa.
Siguro naman tama na rin 'yong matagal nyang paghihintay.
Siguro rin naman handa na ulit akong umibig.
At siguro naman.. Panahon na para sumaya naman ako.
This is it!
"Actually, meron." pagkasabi ko nun sa kanya..
Bigla naman syang napangiti.
"Talaga?" sabi nya na parang hindi makapaniwala.
"Oo at sinasagot na kita." sabi ko sa kanya.
"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa mga sinabi mo. Salamat!" sabi nya.
"Ako ang dapat magpasalamat, ano ka ba? Kung hindi dahil sa'yo.. eh di sana patuloy pa rin ang nasasaktan. Salamat kasi hindi ka sumuko nung mga panahong ipinagtatabuyan kita at Salamat kasi may dumating na isang ikaw sa buhay ko." sabi ko sabay yakap sa kanya. Yinakap din nya ako pabalik.
"Hindi mo kailangang magpasalamat. I love you" sabi nya.
"I love you too" sagot ko naman.
Di ko inexpect na magiging masaya pa ako.
Di ko rin inexpect na meron pa akong taong mas mamahalin.
Binigo man ako nung una..
Di naman ako binigo ng pangalawa.
Kaya payo ko sa ibang mga nabigo sa pag-ibig [NUX! LALIM! HAHAHA]
Pag iniwan kayo ng taong mahal nyo hindi pa katapusan ng mundo..
Hwag nyong ikulong ang sarili nyo sa multo ng kahapon.
Kasi meron pang taong darating na MAS pa sa kanya.
--END--